Dingdong wala nang alam kay Karylle
Isa sa mga natuwa sa pagkakabati nina Joey de Leon at Willie Revillame ay si MTRCB Chairman Consoliza Laguardia. Nag-text ito kay Joey na game namang ipinabasa ng TV host-comedian sa press na nag-interview sa kanya para pag-usapan ang 13th anniversary ng Startalk sa October 25, na gagawin sa bagong studio ng GMA 7.
Sabi sa text ng MTRCB Chairman: “I’m so happy to see you and Willie together.”
Nangyari ang pagkikita at pagbabati nina Joey at Willie sa 1st Supreme To The Extreme Awards ng Philippine Star na ginawa sa Embassy Club last Friday. Ayon naman kay Joey, hindi siya bastos na tao at nang i-acknowledge siya ni Willie ay nagpa-thank you siya, pero humirit siya nang paghingi ng pera na inulit last Saturday sa Startalk.
Nailang nga raw siya dahil itinago muna siya ng organizers sa pag-aakalang mag-aaway sila ni Willie ‘pag nagkita, pero nagkabati na nga ang dalawa at marami ang umaasa na tuluy-tuloy na ito.
Samantala, hindi sinagot ng deretso ni Joey ang tanong ng press kung payag siyang interbyuhin si Cristy Fermin sa Startalk. Sina Butch Francisco at Lolit Solis ay willing interbyuhin si Cristy na up to now, wala pang nakakapag-interview.
“To see is to believe” rin ang sagot ni Joey sa balitang baka bumalik sa The Buzz si Kris Aquino, pero ililipat sa Sabado ang show at itatapat sa kanila. “Okey lang sa akin,” ang sagot ni Lolit kahit nakasama niya sina Kris at Boy Abunda sa Startalk dati. Wala pang reaction si Butch na noon lang narinig ang balita at hindi pa nagsi-sink in sa kanyang posibleng ang The Buzz na ang makakatapat nila.
Sa October 25, pa ang 13th anniversary ng Startalk at sa bagong studio ng Ch. 7 ang selebrasyon. Naghahanda ang lahat na involved sa show para sa isang maganda, masaya at puno ng balitang showbiz na episode.
* * *
Nadagdagan na naman ang mga tanong ng press sa tunay na estado ng relasyon nina Dingdong Dantes at Karylle sa sagot na “I don’t know” ng actor nang tanungin ni Butch Francisco sa inauguration ng GMA network Center Annex. Ano ‘yun, hindi pa sila nagkikita mula nang bumalik siya from the States o wala nang balak magkita?
Nahalata rin ni Butch na ayaw pag-usapan ni Dingdong si Karylle, but no choice siya dahil ipina-interview sa kanya ang actor. Hindi nga lang ipinalabas sa Startalk last Saturday ang sagot na ‘yun ni Dingdong.
Samantala, kukunan ngayong araw ang wedding scene nina Dingdong at Marian sa GMA Films movie na One True Love, pero hindi tuloy ang naka-schedule na press visit dahil marami raw set-up at tuluy-tuloy ang shooting ni direk Mac Alejandre. Hindi kaya may nag-request na wala munang press sa shooting?
* * *
Nasulat namin last week na kasama si Patani sa pelikulang Sundo ng GMA Films bilang maingay na maid nina Iza Calzado at Simon Atkins. Ang latest, hindi na tuloy ang pinakasikat na castaway ng Survivor Philippines sa nasabing pelikula dahil over exposed na raw ito.
Inirason din ang hindi pagkatuloy sa movie ni Patani ang pagiging komedyana nito na baka ‘pag napanood, baka sa halip na matakot ay matawa ang tao. Baka sa next movies ng GMA Films na lang daw ito isama.
Madi-disappoint nito si Patani dahil ibinalita pa naman sa fans niya na may gagawin siyang movie nang makipag-live chat ito kasama ang ibang castaway na na-vote out sa reality show.
* * *
Aminin na kaya ni Lotlot de Leon ang tunay na rason sa paghihiwalay nila ni Ramon Christopher? Abangan ang actress sa Moms mamaya at sa episode na Kung Puso’y Sing lamig ng Gabi, ikukuwento nila ni Lovely Rivero kung bakit failure ang married life nila.
Sa Q-11 napapanood ang Moms, 5:00 pm, Monday to Friday with Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes as hosts.
- Latest