Juday at Alfie nagkaayos na
Naudlot ang nagbabadyang malaking giyera na nag-umpisa na sa pagitan nina Judy Ann Santos at manager niyang si Tito Alfie Lorenzo. Kahapon sa The Buzz, sinabi ni tito Alfie na nagpunta na sa kanyang bahay si Juday para mag-usap sila. “Wag ko na raw siyang isulat,” sabi ni tito Alfie sa interview. “Pinabasa na raw sa lawyer niya at okey naman daw. Corporate lawyer daw ‘yun,” kuwento pa ni Tito Alfie referring sa kontrata ng bagong alaga.. Kumatok daw sa bahay niya ang aktres.
Nagmuntik-muntikanan na talagang magkaroon ng malaking giyera sa pagitan nilang dalawa na nag-umpisa nang hindi pumirma ng panibagong kontrata si Juday sa ABS-CBN at pansamantalang ipa-cancel dahil ipababasa raw muna niya sa kanyang laywer. Nagkataon naman noon na may victory party ang pelikulang Kulam... kaya agad may sagot si Juday sa isyu. Say ni Juday noon, gusto niyang ipabasa sa lawyer ang pipirmahang kontrata dahil gusto niyang magkaanak oras na magpakasal sila ni Ryan Agoncillo at baka magkaroon ng conflict.
Dahil dun ay nag-init ang ulo ni Tito Alfie at hinila niya si Juday sa isang sulok ng venue ng presscon at doon sila nag-usap na halos magsigawan.
Pakiramdam ng manager pagkatapos ng 20 years bakit ngayo’y kailangang ipabasa ng aktres ang kanyang kontrata. Eh samantalang nung nag-umpisa naman daw sila ay wala silang pinag-uusapang abogado. Yumaman daw si Juday na wala sa plano niya nang sugalan niya ang career nito 20 years ago.
- Latest