^

PSN Showbiz

Gabby bawal munang magtrabaho

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Mukhang mainit ang klima ng showbiz ngayon, nang-iimbita ng kontrobersiya ang panahon, maraming relasyong nababahiran ng pagkasira at maraming taong matagal nang magkakasama ang nagkakahiwalay.

Unang naging isyu ang diumano’y paghihiwalay nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, hindi nagpainterbyu nang pormal ang mag-asawa para pasinungalingan ang isyu, pero nagsalita ang pagkakita sa kanila ng ating mga kababayan na kumakain ang buong pamilya sa isang restaurant nung bumalik sa bansa si Sharon mula sa Hong Kong at sinalubong ng kanyang mag-aama.

Ang sumunod ay ang napapabalitang hindi pagkakaintindihan ngayon nina Mama Alfie Lorenzo at Judy Ann Santos, nagkakapalitan na nang maaanghang na salita ang magkabilang kampo ngayon, sangkot naman sa kuwento si Ryan Agoncillo at ang ina ni Judy Ann.

Nakatanaw lang kami sa malayo, wala kami sa lugar kung saan nagsalita si Mama Alfie tungkol sa kanyang mga disgusto kay Juday, pero napanood na namin sa mga talk shows ang kanilang halinhinang paliwanag. (As of presstime ay nagkaayos na ang dalawa at ipinalabas ang interviews sa The Buzz kahapon. SVA).

Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaintindihan ngayon ay positibo naman sila na makakaya pang hilutin ng isang pribadong pag-uusap ang mga hindi nila pinagkakasunduang punto.

Sabi nga ni Juday ay oo naman, pero sana’y silang dalawa na lang ng kanyang manager ang mag-usap, wala nang mga kamerang nakatutok sa kanila.

Isang araw ay umaasa kaming magkakaintindihan din sila, mas mananaig siyempre ang dalawang dekada nilang pinagsamahan bilang talent at manager, karaniwang nangyayari ang ganito sa anumang samahan.

Kahit nga naman sa ulam ay hindi masarap kapag walang asim at anghang ang putahe, kailangan yun para mas tumibay pa ang isang relasyon, sa umpisa lang may kaguluhan pero sa bandang huli ay positibo pa rin ang nagiging resulta.

* * *

Sa inilabas naming kopya ng pinirmahang kontrata nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano nung April 1, 2008 sa mismong bahay ng prodyuser sa Quezon City ay malinaw na nakasaad—hindi maaaring tumanggap ng anumang uri ng trabaho si Gabby ng walang basbas ang kanyang manager.

Pinagtitibay ng kontrata na si Mommy Rose lang ang may kapasidad na makipag-usap, magpresyo at tumanggap ng anumang trabaho-proyekto para kay Gabby, walang ibang taong binibigyan ng karapatan ang kontrata, ang manager lang ng aktor.

Ang mga huling proyekto-shows na ginagawa pa ni Gabby ngayon ay sakop pa ng mga panahong magkasundo pa sila, pero nung lumutang na ang hindi nila pagkakaunawaan na nauwi pa nga sa demandahan, wala nang inaprubahan ang manager ni Gabby.

Ang pinakahuli na sa aming pagkakaalam ay ang gaganaping show sa Metro Bar sa darating na Biyernes, October 24, kung saan guest si Gabby sa concert ng Side A Band at Juan Pablo Dream.

Pagkatapos nun ay wala nang sumunod pa, ayon kay Mommy Rose ay wala na siyang pinirmahan uli, kaya kung gagawa man ng show si Gabby na wala ang kanyang basbas ay maaari niyang harangin-ipahinto yun anumang oras.

Ganun mismo ang nangyari nang makipagtransaksiyon ang kampo ni Gabby sa Hyatt Hotel sa pamamagitan ng kanyang kaibigang si Martin, dapat ay sa October 21 na ang show ni Gabby, pero nagtataka ang pamunuan ng hotel kung bakit ayaw pa munang ipadispley ng panig ni Gabby ang mga materyales para sa show.

Ang ginawa ng kausap nila dun ay tumawag kay Mommy Rose, inalam nito kung meron siyang basbas sa show na tinanggap ni Gabby, sulat ng kanyang abogadong si Attorney Bonifacio Alentajan ang naging sagot ni Mommy Rose.

Malinaw na anumang show na tanggapin ngayon ni Gabby at ng kanyang kampo nang walang pahintulot ng kanyang manager ay hindi puwedeng ituloy.

Ang nakasaad sa kanilang kontrata ang kailangang sundin, pinirmahan nilang pareho ang dokumento, kaya kung anu-ano lang ang nakasaad dun ang kaila­ngang mangibabaw.

vuukle comment

ATTORNEY BONIFACIO ALENTAJAN

GABBY

GABBY CONCEPCION

HONG KONG

HYATT HOTEL

KANYANG

MOMMY ROSE

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with