^

PSN Showbiz

Mark Herras sinapian, biglang nag-disappear

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Marami ang naloka sa interbyu ng Startalk kay Alfie Lorenzo tungkol sa tampuhan blues nila ni Judy Ann Santos.

Natakot sila na giyera patani ang mangyayari kina Alfie at Juday. Well, wala nang dapat ipag-alala ang mga nagmamahal kina Alfongga at Juday. Nag-usap na sila at naayos na ang kanilang tampuhan.

Siyempre, isa ako sa mga natuwa nang malaman ko ang good news. Malalim at matagal ang pinagsa­ma­han nina Alfie at Juday. Nakapanghihinayang kung mauuwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Parang ama at anak pa naman ang trato nila sa isa’t isa.

* * *

Nainterbyu ni Butch Francisco sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa backstage ng Studio 4 ng new building ng GMA 7.

Pumayag na magsalita sina Dingdong at Marian pero parehong safe ang kanilang mga sagot.

Bitin ang televiewers. Gusto nilang malaman ang katotohanan. Hiwalay na nga ba sina Dingdong at Karylle?

Bakit parang umiiwas daw si Dingdong na magsalita? Hindi umiiwas si Dingdong. Pinaiiral niya ang pagiging gentleman. Nangako si Dingdong na magsasalita rin siya. Hintayin na lang natin ang kanyang announcement. Knowing him, tutuparin ni Dingdong ang kanyang pangako dahil hinding-hindi siya maka­kaiwas sa pangungulit ng mga reporter.

* * *

Hindi ko pa nakakausap si Mark Herras kaya hindi ko pa alam ang dahilan ng disappearing act niya noong Biyernes sa inauguration ng GMA 7 building.

Kasama si Mark sa mga rarampa sa ending ng show pero hindi siya mahagilap. Alam ko na dumalo si Mark sa inauguration ng bagong building dahil nainterbyu pa siya ng mga TV crew.

Si Mark ang bida sa indie movie na Sapi. Aalamin ko kung sinapian si Mark kaya bigla itong nagbabu sa bonggang-bonggang okasyon ng GMA 7.   

* * *

Gaya-gaya sa akin si Joey De Leon. Humingi rin siya ng pera kay Willie Revillame nang magkita sila sa Embassy Bar.

Eh ganyang-ganyan din ang drama ko nang makita ko si Gabby Concepcion sa Wynn Hotel noong January 2006.

Ang pagkakaiba lang, binigyan ako ni Gabby ng US$100 nang hingan ko siya ng datung. Ang 100 dollars ang naging instrument ng pakikipagbati ko sa kanya.

Pengeng pera ang sey ni Papa Joey kay Willie sa kanilang encounter pero hindi nag-give ng datung si Willie. Sino ngayon ang mas magaling mang-harbat?

Maharbatan nga rin si WIllie.

* * *

May bagong big news na puputok bukas sa showbiz. Actually, hindi na bago ang balita. Dati nang usap-usapan ang isyu pero bukas pa lamang lalantad ang mga personalidad na sangkot.

May bagong isyu na pagpipistahan ang mga dear reader ng PSN, lalo na ang mga nagbabasa sa on-line na nagrereklamo dahil hindi nila nabasa ang kolum ko kahapon.

vuukle comment

ALFIE

ALFIE LORENZO

BUTCH FRANCISCO

DINGDONG

DINGDONG DANTES

EMBASSY BAR

JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with