Raymart walang ipinagbabawal kay Claudine
After 6 months na wala siyang naging projects sa GMA 7, sinabi ni Raymart Santiago na hindi niya kailanman inisip na lumipat ng network.
“Naging busy naman ako sa maraming bagay, tulad ng mga anak ko at mga ibang proyekto outside of showbiz. Marami rin namang offers kaya lang marami rin akong tinanggihan dahil feeling ko hindi bagay sa akin. Hindi naman ako nabakante kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon.
“No, hindi ko inisip kailanman na lumipat. Happy na ako sa Siete. In the same way na happy din naman si Claudine (Barretto, misis niya) sa kinabibilangan niyang network.”
Wala ba siyang nararamdamang selos sa mga roles ni Claudine sa kabila?
“Wala namang dapat ipagselos. Trabaho lang lahat. At wala akong ipinagbabawal kay Claudine, maski na yung mga kissing and love scenes niya, yung pagsusuot niya ng two piece, siguro aalma lamang ako kapag naghubo na siya pero kilala ko si Claudine, alam niya ang limitasyon niya bilang nanay,” sagot ni Raymart sa maraming katanungang tnanggap niya during the presscon of Gagambino, ang bagong serye ng GMA7 na kinaaniban niya.
Ang Gagambino ay isa pang obra ng magaling na nobelistang si Carlo J.Caparas na magsisimulang mapanood sa Oktubre 29 sa GMA 7, pagkatapos ng Asero. Pero, bago ito, sa Linggo, pagkatapos ng ASAP, mapapanood ang Gagambino’s Web, isang 45-minute documentary tungkol sa the making of the newest telefantasya na iho-host ni Dennis Trillo, ang gumaganap ng Bino sa bagong serye.
Pero, hindi siya nag-iisa, may mga kaibigan siyang may mga kapangyarihang tulad ng sa insekto (Katrina Halili, may kapangyarihan mula sa praying mantis; Polo Ravales, kapangyarihan mula sa uwang; Isabel Oli, kapangyarihang mula sa alakdan; Glaiza de Castro, kapangyarihang mula bubuyog). Pagtutulungan nilang grupo si Abresia (Jean Garcia), may kapangyarihan namang mag-utos sa mga insekto.
Si Raymart si Dindo, ang tiyuhin ni Lucy (Katrina) na siyang magtuturo kina Bino at iba pang niyang kaibigan na may kapangyarihan ng paggamit ng kanilang kapangyarihan.
Sina Toppel Lee at Don Michael Perez ang direktor ng serye, head writer si Suzette Doktolero at kasama nila sa creative team ang creator ni Gagambino na si Carlo J. Caparas.
- Latest