^

PSN Showbiz

Kahit May Dyowa, Vhong Na-Miss Na Ni Toni

-

Malapit na naman ang Todos Los Santos kaya ma­rami na namang kuwentong katatakutan. Katulad na lang ng pelikulang The Chanting 2 (Kuntilanak 2).

 Ano raw ang gagawin mo kung mayroong masa­mang espiritu na nagtatago sa loob ng iyong kata­wan? Lalabanan mo ba o susuko ka na lang na di man lang sinusubukan?

Alamin sa pelikulang ito kung ano ang kahihinat­­nan ng isang babaeng pilit na nilalabanan ang masa­mang espiritu na naninirahan sa loob ng kanyang katawan.

Ang kuwento: Unti-unti nang nahahatak si Samantha sa mundo ng kasamaan. At habang nilala­banan niya ito, kailangan din niyang takasan ang mga miyembro ng Mangkoedjiwo na pilit siyang inaakit na maging bahagi ng kanilang sirkulo. Ngayon, ang tanging pag-asa niya para makalaya sa masa­mang espiritu ay ang kanyang ex-boyfriend na si Agung, isa ring dating biktima ng Kuntilanak.

Matulungan kaya niya si Samantha bago pa ito tuluyang mapunta sa kadiliman?

Ang Pontianak, Kuntilanak, Matianak or Boentianak ay isang klase ng bampira sa Indonesia. Ang mga ito ay mga babaeng namatay sa panganganak at naging mga zombie na pumapatay ng mga tao at naghahasik ng lagim sa buong nayon.

Ang mga kuntilanak ay madalas na nagbabalat-kayo bilang isang magandang babae. Ayon sa mitolohiya, karaniwang biktima ng mga kuntilanak ang mga lalaking walang-malay. Sila ay kumakain din ng mga bagong silang na sanggol at ng mga batang nasa sinapupunan pa lamang ng kanilang ina.

Ang The Chanting 2 ay ang sequel sa highest grossing horror film ng Indonesia noong nakaraang taon. Tampok sa The Chanting 2 sina Julie Estelle, Evan Sanders, Bella Esperance at Piet Pagau.

Kaloka ang kuwento ng pelikula. Parang may posibilidad na tumaas ang presyon mo, dapat hindi ka manood ng mag-isa ng pelikulang ito na magsisimulang mapanood sa mga sinehang sa October 22.

Isang nakapangingilabot na pelikulang handog ng Viva International Pictures ngayong paparating na Halloween.

* * *

Maganda ang trailer ng My Only U nina Vhong Navarro and Toni Gonzaga. Maraming natatawa.

Magkasama uli kasi ang dalawa sa nasabing pelikula na malapit na ang showing. Kaaliw ang ipinakikitang trailer nila.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor nila na siya ring nasa likod ng tagumpay ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. At sa pinakahuling resulta ng pelikula, kumita ito ng P180 million na bihirang mangyari sa isang pelikulang Tagalog. Mabili rin daw ang video ng nasabing pelikula.

Going back to My Only U, bahagi pa rin ng 15th anniversary celebration ng Star Cinema ang pelikula nina Toni at Vhong.

Ibang putahe na naman daw ang hatid ng Star Cinema dito.

Dati nang nagkasama sina direk Cathy at Toni, pagkatapos ng back-to-back hits nila noon na You Are the One at You Got Me. Ito naman ang unang pagsasama ni Vhong at direk Cathy.

“It is an honor na makasama kami ni Toni sa line-up ng mga pelikula ng Star Cinema ngayong 15th anniversary nila. After ng D’Anothers nakakatuwang makasama ulit si Toni. Nakaka-miss ang mga bonding moments namin,” say ni Vhong.

“After kasi ng Wazzup Wazzup at ng movie namin noon, sa ASAP na lang kami nagkakasama, so text-text na lang kami palagi, usap kung kailan mabigyan ng pagkakataon, kaya nakakatuwa na pinagsama ulit kami ng Star Cinema because Vhong is a dear friend at laging nakakatuwang makasama siya,” sagot naman ni Toni.

“This is another movie na kukurot sa puso nating lahat, again, we hope na we will once more touch our hearts and make the moviegoers happy with what we do for film. Sana magustuhan nila ito,” pahabol ni direk Cathy.

Catch My Only U in theaters nationwide on October 29.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

KUNTILANAK

MY ONLY U

SHY

STAR CINEMA

TONI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with