^

PSN Showbiz

Kontrata ni Cristy Fermin sinuspEnde ng ABS-CBN

-

Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzz sa ABS-CBN Channel 2 at anchorperson ng Showbiz Mismo sa DZMM ay sinuspende hanggang December 31, 2008.

Ang suspensyon ng talent contracts ni Ms. Fermin sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga naging pahayag niya sa episode ng The Buzz noong October 5, 2008.  Ang aksyong ito ni Ms. Fermin ay lumabag sa ilang probisyon ng kanyang kontrata.

Sa pananaw ng kompanya, nadamay ang mga batang walang kinalaman sa kontrobersya sa kanyang pahayag.

Nalabag din ng aksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at sa ABS-CBN.

ABS

BROADCASTING CORPORATION

BUZZ

CBN

FERMIN

MS. CRISTY FERMIN

MS. FERMIN

NALABAG

SHOWBIZ MISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with