^

PSN Showbiz

BAHAY NI RUFA MAE NABILI NI IZA; 'Sharon and Kiko have a very solid marriage'

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Babalik ba si Kris Aquino sa The Buzz? “Iniisip pa niya. Pero nami-miss na niya ‘yung nag-aayos siya every Sunday, nagbibihis,” sabi ng kaibigan ni Kris na nakatsika namin kahapon.

Matagal nang may nagkukuwento na gustong bumalik ni Kris sa nasabing programa.

* * *

Si Iza Calzado pala ang nakabili ng bahay ni Rufa Mae Quinto. Pero ayaw sabihin ang detalye ni Iza kung magkano niya itong nabili.

Kung sabagay, si Iza na yata ang pinaka-abalang artista ng GMA 7 kaya hin­di nakakatakang nakaipon na siya ng malaki at may pambili na ng sariling bahay dahil kabi-kabila ang trabaho niya.

Kasama sa kanyang pinagkakaabalahan ang peli­ku­lang Sundo with Robin Padilla at ang One True Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang im­pression ng marami, supporting lang siya sa dalawang pelikula dahil maraming ibang kasama particular na sa One True Love. Pero ipinagtanggol siya ng produ ng GMA Films na si Ms. Anette Go­zon na equal ang billing nila at walang dapat ipag-alala. Ilang beses na rin daw nagkaroon ng revision   ng script ng One True Love. kaya hindi puwedeng supporting role lang siya.

At dahil pinsan at bestfriend niya si Karylle, hindi nakaligtas si Iza na tanungin kung ano ba talaga ang status ng relasyon ng pinsan niya sa aktor (Dingdong) na kasama niya sa pelikula. “Hiwalay na sila dahil nasa Amerika si Dingdong. Nasa Pilipinas si Karylle,” sabay tawa ni Iza. “Wala akong karapatang pag-usapan ang buhay nila,” dagdag ni Iza.

* * *

Not true ang sagot ni Angeli Pangilinan nang tanungin siya kung totoong hiwalay na nga ba sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na kapatid niya.

Say ni Ms. Angeli: “It’s politically motivated. We don’t exactly know where but we do know that the source is from the Senate. Somebody informed us. A client of Genesis called us, would you believe, and informed us.”

Sa isang Senate reporter kasi nag-umpisa ang kuwento.

Pero ayaw nilang seryosohin ang issue dahil pakiramdam nila, sayang ang oras. “I want to tell everybody that Sharon and Kiko have a very solid marriage. In fact, they’re going on a cruise and if Sharon chooses to shop in Hong Kong by herself, what will my senator-brother do while she’s shopping? So she went with KC (Concepcion) and Fanny Serrano.”

Hindi naman daw puwedeng parating magka­sama ang mag-asawa at si KC raw ay super busy kaya hindi basta-basta puwedeng kasama sa ibang bansa kaya planado yun.

Besides, sabi nga ni Gary V., bago pa man lumabas ang issue, alam na nilang may pasasa­buging kuwento.

Pero ewan ko ba naman na kahit anong tanggi nila, maraming nagdududa. Like may isang witness ang nakakita na nag-check in si Mega bitbit ang maraming maleta sa isang five-star hotel bago pa man lumabas ang isyu.

Anyway, maniwala na lang tayo sa paliwanag ni Ms. Angeli. Siguradong hindi siya nagsisinungaling dahil isa siya sa pinaka-relihiyosa sa showbiz.

* * *

Na-divert ng konti ang attention kahapon sa hiwalayan nina Sharon at Kiko dahil walang nagsasalita sa dalawa ang presscon ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa  Live at 25, ang kanyang 25th anniversary concert sa November 14 and 15 sa Araneta Coliseum.

Twenty five years na pala si Gary Valenciano sa industriya. Ganun na pala siya katagal at infairness, hindi siya pinagsasawaan. Bibihira ang singer na tumatagal ng 25 years.

Makakasama niya sa nasabing concert sina Jericho Rosales, Rachelle Ann Go, Rivermaya, Sugarfree, The Bloomfields, Salamin, Powerplay, Yeng Constantino and Laarni Lozada at ang mga anak nilang sina Paolo, Gabriel, and Kiana Valenciano.

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN

ARANETA COLISEUM

DAHIL

DINGDONG DANTES

IZA

MS. ANGELI

NIYA

ONE TRUE LOVE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with