Taping ni Juday madalas ding ma-cancel
Naku ‘wag nang umasa ang marami na aaming hiwalay sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. Matagal na ang hiwalayan issue. Ang bago lang, pinag-uusapan si Sen. Kiko at mas malaking advantage ‘yun sa kanyang planong pagkandidato sa susunod na election.
Akala yata ng mga kalaban niya, mas magiging nega ang dating niya, sadly, nakatulong yun sa part ni Sen. Kiko.
* * *
Maraming nagtatanong kung bakit daw biglang namayat ang magaling na aktres na si Gina Pareño. Napanood daw nila si Ms. Gina sa Boy and Kris the other day at nag-worry sila. “Pero hindi naman siya mukhang may sakit pero bakit siya nangayayat,” tanong ng isang reader.
Baka naman nagpapayat lang talaga si Ms. Gina.
* * *
Kahit anong pilit, hindi talaga nag-react si Lovi Poe nang uriratin namin kung anong reaction niya sa balitang buntis na sa iba ang nanay ng unang anak (Grace Adriano - anak ni Rosanna Roces) ng boyfriend niya ngayong si Jolo Revilla? “I don’t wanna get involve,” sagot agad ni Lovi. I’m sure aware siya. Pero wala talagang sagot si Lovi sa pagbubuntis ni Grace. Walang mapiga kay Lovi. Corny tuloy, walang maintriga sa kanya.
Basta ok lang daw sila ni Jolo.
Anyway, hindi pa rin daw niya nadadalaw ang kanyang lolo to be, si Senator Ramon Revilla Sr. na hanggang ngayon ay naka-confine sa St. Luke’s Hospital. Nagpadala lang daw siya ng bulaklak. Pero nakadalaw naman siya kay Inah, ang sister ni Jolo na nanganak kamakailan.
Basta abala raw siya sa ngayon sa kanyang concert entitled Bloom, bukas, October 16, 8:00 p.m. sa Music Museum.
Binigyan si Lovi ng special tsikahan with the press ni Mother Lily Monteverde bilang suporta sa nasabing concert ng anak ni FPJ. May contract kasi si Lovi sa Regal Films.
* * *
Maraming nag-react sa inilabas namin tungkol sa reklamo ng mga co-stars ni Judy Ann Santos sa Humiling Ka Sa Langit na next year na naka-schedule ipalabas. Ang alam pala ng kampo ni Judy Ann, ang may problema ay ang mga artistang kasama niya sa show kaya hindi natutuloy ang taping. Kasi raw ang advice ng staff kay Juday ay cancelled ang taping nila dahil hindi na available ang mga supporting cast kaya ayun hindi raw magkatugma-tugma ang schedule nila. Pero ang kuwento naman ng ibang artista sa Humiling... wait lang sila sa taping nila. Naiinis na nga raw yung iba dahil last minute ang cancellation ng taping kaya hindi makatanggap ng raket ang ibang artista.
Ang gulo ha... Hmmm, kulang sa coordination o sinasadya?
* * *
Papable na hitsura ni Vhong Navarro. “Marunong mag-alaga si Desiree (del Valle - dyowa ni Vhong),” sagot agad ng katabi kong si Vinia Vivar habang sumasayaw si Vhong sa launching ng Let’s Dance audio/video CD ni Vhong kasama ang Streetboys.
Nung una naman talagang mag-showbiz si Vhong, bukod sa magaling siyang sumayaw, parang magaling siyang magpatawa dahil sa kengkoy na hitsura ng kanyang mukha. Pero ngayon, hindi na.
Anyway, sa nasabing launching ‘nabuhay’ uli ang Streetboys. Matagal-tagal na rin kasing hindi sila nakikitang sumasayaw na magkakasama. Ang akala ng iba, nagkanya-kanya na sila ng landas lalo na si Vhong na kung career ang pag-uusapan ay malayung-malayo na sa kanyang ibang mga kasamahan sa nasabing dance group. Pero grupo pa sila at ebidensiya ang inilabas na video/audio CD nila. Yun nga lang, marami nang bago sa kanilang grupo at siyempre nadagdagan na ang edad nila. Pero naman, ang gagaling pa rin nilang humataw sa sayawan.
Andun pa rin si Jhong Hilario, Meynard Marcellano, Nico Manalo at ang mga iba pa nilang member. Ang wala lang ay sina Spencer Reyes at Danilo Barrios.
Para sa mga gustong magpapayat, ang Let’s Dance album nila ay makakatulong. Matuto kang mag-exercise at sumayaw at the same time. “Kaya dancexercise ang term na ginamit dito dahil more than dancing ang ino-offer ng album,” sabi ni Bong.
Available na ito sa mga music bars from Star Records.
* * *
Kahit busy sa career, tuloy pala ang pag-aaral ni Sarah Geronimo sa UP Open University. Tsika ng isa niyang friend, parati raw nitong bitbit ang mga work book sa taping, shooting o kahit saan siya magpunta para in case na magkaroon siya ng pagkakataon, puwede siyang magbasa at mag-aral.
Wala raw itong reklamo kahit pagod at puyat kung kailangang magbasa ng libro, ginagawa niya.
Anyway, abala ito ngayon sa concert niya sa Araneta Coliseum sa November 8.
Ika-third na niya ito sa Araneta. Jampacked ang Araneta sa dalawa niyang naunang concert. (SVA)
- Latest