^

PSN Showbiz

Encantos 'inekisan' ng MTRCB

-

Tuluyang ipinagbawal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas sa mga lokal na sinehan ng pelikulang Death in the Land of Encantos na idinirehe ni Lav Diaz at nagkamit ng maraming parangal sa ibayong-dagat.

Binigyan ng MTRCB ng X rating ang Encantos dahil umano sa isang eksena rito na nakahiga sa kama ang isang hubad na babae na kitang-kita ang mga dibdib at ibang maselang bahagi ng katawan.

Nagrepaso at nagbigay ng ekis sa pelikula ang mga miyembro ng board na sina Amalia Fuentes, Ros Olgado at Fr. Nick Cruz.

Mariing kinondena ni Diaz ang ginawa ng MTRCB sa pagsasabing hindi siya naniniwala sa censorship at hindi niya babaguhin ang Encantos na naunang nagkamit ng Special Mention prize sa Orizzonti section ng Venice International Film Festival noong nakaraang taon. Sa nagdaang Urian Awards, tumanggap ito ng award para sa Best Production Design.

AMALIA FUENTES

BEST PRODUCTION DESIGN

ENCANTOS

LAND OF ENCANTOS

LAV DIAZ

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NICK CRUZ

ROS OLGADO

SPECIAL MENTION

URIAN AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with