^

PSN Showbiz

Direk Khryss pumanaw na

-

Takdang ipalabas sa Huling Sulyap kay Inay Khryss sa Huwebes, Oktubre 16, sa UP Film Center sa Quezon City ang My Monster Mom ng Regal at GMA Films na huling pelikulang ginawa ng manunulat at direktor na si Khryss Adalia na pumanaw sa edad na 62 kahapon dahil sa sakit na kanser sa colon.

Nagsimula si Inay Khryss bilang dubbing supervisor (sa Bagets noong 1984) at scriptwriter (sa Diosa noong 1982). Sa ABS-CBN siya unang nakapagdirek sa mga shows na tulad ng F.L.A.M.E.S. at taong 1999 nang lumipat siya sa GMA 7, una sa Rio del Mar. Nagkasunud-sunod ang mga shows ni Inay Khryss tulad ng Te Amo, tatlong seasons ng Love to Love, Bakekang, Mga Mata ni Anghelita, at ang pinakahuli ay ang Ako Si Kim Sam Soon.

Noong Sabado, October 11, isinugod ang direktor sa UST Hospital dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kahapong alas-otso ng umaga, binawian na siya ng buhay. Napaulat habang isinusulat ito na ibuburol siya sa Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.

Lahat ng mga kaibigan at nakatrabaho ni direk Khryss ay inaanyayahang manood at mag-donate sa UP Film Center sa Huwebes.

vuukle comment

AKO SI KIM SAM SOON

ARANETA AVENUE

FILM CENTER

FUNERARIA PAZ

HULING SULYAP

HUWEBES

INAY KHRYSS

KHRYSS ADALIA

MGA MATA

MY MONSTER MOM

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with