^

PSN Showbiz

Pauleen mabenta sa pulitiko

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Malapit nang ikasal si Bunny Paras sa kanyang LA based  fiancee na si Tom. Ikinuwento ni Bunny ang good news nang umapir siya kahapon sa Startalk at nagkuwento tungkol kay Moira, ang anak nila ni DJ Mo.

In fairness kay Bunny, wala siyang masamang sinabi laban kay DJ Mo kaya hindi na ito dapat mag-emote.

Sinabi ni Bunny na nagbibigay ng sustento si Mo sa kanilang anak. Ang madir ni Mo ang nagpapadala ng datung sa US bank account ni Bunny.

‘Yun nga  lang, tatlong beses lamang na nagkasama ang mag-ama sa dalawang buwan na pagbabakasyon ni Moira sa Pilipinas.

Magkakaroon na ng sariling pamilya si Bunny. Hindi masama kung magiging magkaibigan sila ni Mo, alang-alang sa kanilang anak.

* * *

Advance happy birthday kay Joey de Leon. Sa Tuesday pa ang birthday ni Joey pero binabati ko na siya dahil mapapanood mamayang gabi sa Mel & Joey ang kanyang bonggang birthday celebration.

Panay ang reminder ni Papa Joey na panoorin ang show nila ni Mama Mel dahil kakaiba raw ang kanyang birthday celebration. Watch n’yo ha?

* * *

Walang takot at hindi marunong mahiya ang tingin ko kay Patani nang mag-guest ito kahapon sa Startalk.

Morenang-morena si Patani at kitang-kita sa kanyang mga kilos at pananalita ang matinding ambisyon niya na maging artista.

May tsismis na lumalaki na ang ulo ni Patani kaya dapat siyang bantayan at i-guide dahil walang puwang sa showbiz ang mga pasaway.

Kung type ni Patani na  magtagal siya sa showbiz, kailangang mag-behave siya. Hindi niya dapat tularan si ... Huwag na nga. Tiyak na magre-react ang mga artista na sasabihin ko para magkaroon sila ng libreng publicity.

* * *

Ang sipag-sipag ni Richard Gomez na mag-promote. Iniikot niya ang lahat ng show ng GMA 7 para i-promote ang Family Feud, ang kanyang game show na mag-uumpisa bukas bago ang 24 Oras.

Na-try ko nang sumali sa Family Feud nang magkaroon ito ng presscon at nag-enjoy ako sa game show ni Richard. Feel na feel ko na panonoorin ng mga kababayan natin ang bonggang-bonggang show ni Richard.

* * *

Naka-confine pa rin sa St. Luke’s Hospital si Mang Ramon Revilla Sr. Dinalaw ko siya noong isang araw at naabutan ko doon ang mga anak niya na nagbabantay sa kanya.

Marami ang nagdarasal para sa mabilis na paggaling ni Mang Ramon. Nag­papasalamat ang kanyang pamilya sa mga patuloy na nagdarasal sa aktor na kilala sa pagkakaroon ng agimat.

* * *

True ang sinabi ni Pauleen Luna na hindi niya kilala ang pulitiko na gusto na makipag-date sa kanya.

May nagparating lang sa kanya ng mga kuwento na type na type siyang ma-meet ng pulitiko.

Sa totoo lang, tatlong pulitiko ang interesado kay Pauleen pero hindi ko na sasabihin ang kanilang mga name. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng kaugnayan sa buhay nila!

BUNNY PARAS

FAMILY FEUD

MAMA MEL

MANG RAMON

MANG RAMON REVILLA SR. DINALAW

PAPA JOEY

PATANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with