PDA scholars binigyan ng award
Robert Villar, Jr. ang pangalan niya. Una siyang umagaw ng pansin ng mga manonood sa telebisyon sa fantaseryeng Dyesebel bilang little friend ni Dyesebel. Marami ang nagluksa nang mamatay siya. Pero, panandalian lamang ito dahil sa La Lola ay nag-resurrect siya bilang Boogie ang namumulot ng basura na aampunin ni Facundo (JC de Vera) na iibigin naman ni La Lola (Rhian Ramos), ang lalaking naging babae dahilan sa isang sumpa.
Siyam na taong gulang lamang si JR, 2007 grand champion ng Little Big Star ng ABS-CBN at taga-Cebu. Pinili niyang maging Kapuso dahil ’di raw siya nabibigyan ng break. Dinala siya ng manager niyang si direk Maryo J. delos Reyes sa GMA 7 na kung saan ay mabilis siyang sumisikat at maraming proyektong nasasamahan tulad ng Impostora, Magpakailanman, Mahiwagang Baul, Zaido, Dyesebel at ito ngang La Lola.
All-star cast ang La Lola. Ang iba pang miyembro ay sina Eula Valdez, Lovi Poe, Marky Cielo, Patricia Ysmael, Isabel Granada, Jewel Mische, Iza Calzado, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Sheena Halili, Angelika dela Cruz, Jackielou Banco, Eddie Garcia at JayR.
Mature si JR sa kanyang gulang at generous na. Katunayan, binigyan niya ng pera ang kanyang kapatid na lalaki para makapagsimula ng isang bagong negosyo.
* * *
Humupa na nga ang intriga kay Ronnie Liang at Sarah Geronimo pero patuloy pa rin ang ingay na ginagawa ng Prince of Ballad dahil sa akting niya sa I Love Betty La Fea ng Kapamilya.
Nakilala bilang isa sa mga magagaling na scholars ng Pinoy Dream Academy Season 1. Wala pa siyang pinagdaanang acting workshop noon. Sa pagpasok niya sa I Love Betty La Fea, sinisiguro ng Star Magic na tapos na ni Ronnie ang acting workshop niya. Masasabing fully-armed na ang Prince of Ballad ng bansa para sa kanyang muling entrada sa pag-arte at handang-handa na pabilibin ang mga tagasubaybay ng Bettyful na programa. Ang karakter ni Ronnie ay si Enrique, ang HR manager ng Eco Moda advertising agency.
* * *
Tuwang-tuwa sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Star Dreamer Laarni Lozada at first runner-up Bugoy Drilon dahil bibigyan sila ng parangal bilang Most Promising Female and Male Performers sa 2008 Asian Star Entertainment Awards.
Ang naturang award ay ipinagkakaloob sa mga outstanding artists sa iba’t ibang larangan ng performing arts sa Asia Pacific region kung saan ang mga nananalo ay napipili sa pamamagitan ng online nomination at voting. Natamo naman ng ABS-CBN ang parangal bilang 2008 Most Outstanding Television Network sa ilalim ng Global Excellence Awards.
Sa parehong awards night din iginawad ang mga prestihiyosong parangal tulad ng Global Brand Award, Consumers Choice Awards and Electronics Quality Awards para sa ibang industriya.
* * *
Si Polo Ravales, nahuli raw na nakikipag-halikan sa kapwa niya lalaki?! Epekto kaya ito ng ilang ulit niyang paglabas bilang gay sa pelikula?
Maraming artista ang lumalakas na ang loob at pumapayag nang matanong ng mga maseselang bagay sa pamamagitan ng lie detector. Tulad ni Angelika dela Cruz na sa harap pa ng pamilya isasalang.
Si Keempee de Leon ay gigisahin din ng Central Jury at haharap sa killer question.
Lahat nang iyan mapapanood sa Showbiz Central na talaga namang pinaghihirapang ipunin ang lahat ng kaintrigahan sa showbiz.
- Latest