^

PSN Showbiz

Gusot Ng Aktres At Manager 'Di Na Pinalaki

-

Parehong mahal ng press ang actress at ang kanyang manager, kaya hindi na pinalaki ang maliit na gusot na nangyari sa kanila kamakailan. Sabi rin naman ng talent manager na magkakabati pa sila ng actress at mas magiging madali ang pagbabati nila kundi na palalakihin ang isyu na nag-ugat sa kontrata ng actress sa isang network.

Ikinatuwa rin ng press ang balitang nag-usap uli kahapon ang actress at kanyang manager and hopefully, maayos na ang konti nilang gusot. Sayang ang 20 years na kanilang pinagsamahan kung mawawala dahil lang sa mis­commu­nication.

* * *

Bumalik na noong Wednesday sa Amerika si Paul Ely Egbalic, ang husband ni Joyce Jimenez na biglang dumating ng bansa nang maaksidente ang actress on her way home from Baguio kung saan ginawa ang October 31 episode ng Philippines’ Scariest Challenge ng TV5.

Siniguro lang nitong maayos si Joyce at bumalik na para sa five to six months training niya as customs officer sa USA. Sa Christmas na sila magkikita at si Joyce na ang uuwi sa San Diego, California kung saan sila may bahay. Ang konswelo lang ng actress sa nangyari’y, natuloy ang honeymoon nilang mag-asawa and for three days, nasa El Nido, Palawan sila.

Patuloy ang panawagan ni Joyce sa driver ng bus na nakabangga sa kanila na lumabas at akuin ang kasalanan. Lesson learned sa kanya’y always to wear your seat belt dahil kung wala ’yon, baka mas grabe pa ang nangyari sa kanya.

Hindi tinapos ni Joyce ang challenge dahil naramda­mang may galit sa kanya at nakakakita ng kung anu-ano. Nangilabot lalo ito sa sinabi ng espiritista na sa third floor kung saan ginawa ang challenge nagpakita ang ghost, eh wala naman do’n ang esipiritista at walang ikinuwento si Joyce. Lalaki ang ghost, nagkagusto kay Joyce at sumama pabalik ng Manila.

“Ayaw ko nang mag-join sa horror challenges. It was the most scariest experience in my life, more because of the car accident. Apektado ako and at one point, I was seeing something. I feel someone was mad at me. I know I shouldn’t be there and I made the decision to quit,” sabi ni Joyce.

May mga nawalang maliliit na gamit sina Joyce, pero hindi na niya pinanghina­yangan ’yun.

* * *

Natawa ang press sa opening remarks ni direk Cathy Garcia-Molina sa presscon ng My Only U na “Konting alalay. The last time, sumabit ako at ayaw ko nang maulit ’yon.”

Ang tinutukoy ni direk ay ang isyu sa kanila ni Richard Gomez na nagsimula nang banggitin niyang ayaw niya itong makatrabaho na sinagot ng aktor at paulit-ulit na tinatanong sa kanila.

Anyway, mas mabigat ang pressure kay direk kesa kina Toni Gonzaga at Vhong Navarro na maging box-office ang nasabing pelikula na showing sa October 29, dahil sa laki nang kinita ng A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na siya rin ang director. Na-announce sa presscon na ku­­­mita ng P173 million and AVSL. (Nitz Miralles)

A VERY SPECIAL LOVE

CATHY GARCIA-MOLINA

EL NIDO

JOHN LLOYD CRUZ

JOYCE

JOYCE JIMENEZ

MY ONLY U

NITZ MIRALLES

PAUL ELY EGBALIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with