Dumayo pa sa Paris, Richard ipinakilala na ni KC sa mga kaibigan
Hindi naabutan ng press na sumugod sa last taping day ni Dingdong Dantes sa Dyesebel ang ex nitong si Antoinette Taus na bumisita sa set at kunwari’y si Bianca King ang dinalaw. Wala bang ibang lugar na puwede silang magkitang magkaibigan at kailangan pa sa place na naroon si Dingdong?
May tsismis na ngang nagkakalabuan sina Dingdong at Karylle, dinagdagan pa niya. Maintriga na nga ang sagot niyang “somewhere” sa Showbiz Central nang tanungin kung saan sila nagkita ng actor.
Ang sabi’y hindi rin nagkita sina Antoinette at Dingdong at magkaiba ang narinig naming rason. Sabi’y nasa kabilang set sa Marilao, Bulacan pa ang actor nang dumating si Antoinette at may narinig naman kaming nasa pool ito at kinukunan sila ni Marian Rivera. Hindi rin siya nakita ni Marian na curious ding makilala siya.
* * *
Bigo ang press na mahingan ng pahayag si Dingdong Dantes sa tsismis na break-up nila ni Karylle dahil hindi ito nagsalita. Aliw ang paikut-ikot at double meaning na tanong ng press na tagumpay na naiwasan ni Dingdong at nagawa nitong puro Dyesebel ang pag-usapan.
Sabi pa naman ni Zsa Zsa Padilla sa presscon ng Divas 4 Divas, sina Karylle at Dingdong na lang ang tanungin sa break-up issue dahil hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng dalawa. Kaso, hindi nga nagsalita ang actor, kaya ang ipinangako ni Karylle na joint statement nila ng actor na lang ang hihintayin ng press.
Natanong din si Marian Rivera sa hiwalayang Dingdong at Karylle at sabi nito “Wala ako sa posisyong mag-comment. Mas maganda kung kay Dingdong itanong ‘yan at masyadong personal.”
Ang tsismis, nagkaka-developan na sila ni Dingdong at ito ang rason kung bakit nakipag-break siya sa boyfriend niyang si Erick Vijandre at kaya nagkakalabuan din sina Dingdong at Karylle. May posibilidad bang maging sila ni Dingdong? Saka for somebody na nakipag-break daw, bakit masaya pa rin siya?
“Masaya lang ako dahil marami akong projects at offers. Kapag malungkot ka ba, kailangan mong dibdibin? Tungkol sa amin ni Dingdong, mahirap magsalita ng tapos, ang haba pa nang itatakbo ng buhay at marami pa akong makikilalang ibang tao.”
In love ba siya ngayon?
“Now! Lagi naman akong in-love at sa lahat ng bagay, in-love ako.”
* * *
Sariling concept ni Richard Gutierrez ang TVC ng Unique Toothpaste, ang bago niyang endorsement at siya rin ang gumawa ng stunt sa tulong ng kanyang team. Maganda at malakas ang dating ng TVC at matutuwa ang owner ng Unique na si Mr. Alfonso Supetran dahil matutulungan ng actor na mapataas ang market sales ng brand ng toothpaste.
Kababalik lang ni Richard from Europe with KC Concepcion and Raymond Gutierrez. Nakapag-bonding daw sila ng husto ni KC, nakapamasyal at ipinakilala siya nito sa mga kaibigan. Sa tanong kung sila na? “What you see is what you get” ang sagot.
Sa follow-up question if he’s in love? Ang sagot ni Richard ay “Ano sa tingin ninyo? Do I look like I’m in love? Kayo na ang humusga. Basta, Paris is the city of Love.”
* * *
Sa Empowered Women episode ng Moms this Thursday, isi-share nina Miriam Quiambao, Sari Yap at Kaye Tinga kung paano nila na-overcome ang problemang dumating sa kanila at paano sila nag-move on.
Napapanood sa Q-11, 5:00 pm, Monday to Friday ang Moms with hosts Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes.
- Latest