^

PSN Showbiz

Rose Flaminiano Balik Sa Dating Gawi

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Sa pagputok ng isang rebelasyong ilang taon nang nakatago ay naging abala ang isang personalidad sa pagtawag-tawag sa mga taong may kinalaman sa milagro. Natensiyon siya, napraning sa madaling salita, lahat ng taong nakakaalam sa kuwento ay pinagtatawagan niya.

Isa lang ang tanong niya sa kanyang mga kausap, “Meron ka bang nasasabi kay ____(pangalan ng naglantad ng kuwento) tungkol sa lihim natin?” Natural, kani-kanyang paghuhugas-kamay na ang kanyang mga kausap.

Ang sumunod niyang tanong, “E, bakit niya nalaman? Paano niya nalaman ang mga detalye? Pati ang date, alam niya. Sino kaya ang nangtraydor sa akin? Sino kaya ang nagbigay sa kanya ng mga detalye?” sunud-sunod niyang tanong sa kanyang mga kausap.

Walang umamin sa kanyang mga kausap, kani-kanyang ilagan at tanggihan na ang mga ito sa kanyang mga pang-uusisa, kapag ganung walang kahit sinong umaamin sa kanyang paligid ay mahihirapan talagang mahuli ng personalidad na ito kung sino ang nagkanulo sa kanya.

Isa lang ang dapat gawin ng nasabing personalidad, aminin niya na lang ang totoo, kaya nating labanan ang kahit sino pero ang kunsensiya natin ay hinding-hindi.

Mahirap kalabanin ang sarili nating kunsensiya.

Sa totoong-totoo lang!

* * *

Parang ipinagpapasalamat na rin ni Mommy Rose Flaminiano ang nangyari sa kanila ni Gabby Concepcion. Hindi niya isinusuko ang kanyang prinsipyo, lalabanan niya nang sabayan ang ginawa sa kanya ng aktor kahit saan pa sila magkita, pero ayon sa prodyuser ay nagkaroon siya ngayon ng panahong asikasuhin ang kanyang mga negosyo.

Simula pala nung dumating sila ni Gabby (March 30) mula sa Amerika ay puro ang mga tauhan na lang niya ang namamahala sa kanyang opisina.

Siya pa rin ang nagdedesisyon, siya pa rin ang kinokonsulta ng kanyang mga empleyado, pero hindi na halos niya nasisilip ang kanyang opisina.

Masyado siyang sumentro sa pakikipagsara ng iba’t ibang proyekto para kay Gabby, pati ang schedule nito sa araw-araw ay siya pa rin ang humahawak, kaya pansamantala niyang hindi naasikaso ang totoong pinagmumulan ng kanyang ikinabubuhay.

Pero ngayon ay dun na uli umiikot ang kanyang maghapon, marami na naman siyang kamiting sa araw-araw, balik na naman si Mommy Rose sa dating gawi.

“Ang nakakatawa lang, yung issue pa rin muna sa amin ni Gabby ang tinatanong ng mga nakaka-meeting ko. Ano raw ba ang nangyari, bakit daw ba nagkaganun?

“Alam mo na, typical Pinoy kami na nagkukuwentuhan bago ang totoong agenda. Kahit sa mga lugar na pinupuntahan ko, yung away pa rin namin ni Gabby ang itinatanong sa akin.

“Nung una, masakit na masakit sa akin ang mga ganun, pero ngayon, nakakaya ko nang sagutin na kalmado ako. Yung period lang ng acceptance ang naging mabigat sa akin, hindi ko talaga makayang tanggapin na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya, susukatin lang pala niya ako sa napakaliit na halaga!

“Yung pagtanggap, dun lang talaga ako nahirapan, para kasing bangungot ang nangyari sa amin, e. Biglang nandiyan ngayon, pero bigla ring nawala agad.

“Hindi ko lubos maisip talaga kung bakit niya ako ginanun, hanggang ngayon, wala akong makitang sapat na dahilan. Pero nakakangiti na ako ngayon,” suwabeng kuwento ni Mommy Rose.

Tuloy ang kanilang paghaharap sa korte, civil case ang kasong isinampa niya laban sa aktor, walang kulong yun katulad ng interpretasyon ni Nadia Montenegro.

“Yun naman kasing babaeng yun, sawsaw na lang nang sawsaw, wala naman siyang alam tungkol sa kaso. Civil yun, walang kulong, criminal cases lang ang meron.

“Hindi na lang kasi asikasuhin ni Nadia ang mga anak niya, kung kani-kaninong buhay ang pinakikialaman niya!” pabuntong-hininga pang sabi ni Mommy Rose Flaminiano.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

ISA

KANYANG

LANG

MOMMY ROSE

MOMMY ROSE FLAMINIANO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with