^

PSN Showbiz

Roxanne At Cristine Nahimatay

-

Kung meron mang pinaka-abalang artista ngayon sa ABS-CBN, ‘yun ay sina Roxanne Guinoo at Cristine Reyes. Umabot na sa punto na nag-collapse na sila dahil halos 24/7 silang nagta-trabaho. Yup, nadagdagan pa sila ng Banana Split na magsisimulang mapanood sa October 11.

Kaya nga nang mag-attend ng presscon si Roxanne, parang matamlay siya dahil nga raw pagod at puyat siya. Actually, hindi naman siya nagre-reklamo. Nagkataon lang na may naka­pansin na parang ang tamlay-tamlay niya.

Si Cristine naman, sobrang trabaho rin ang dahilan kaya siya nabalitang nagpakamatay. Nagkataon lang daw sobrang dami ng trabaho kaya bumigay ang katawan niya.

Suwerte nila kung tutuusin dahil may ilang artista ng ABS-CBN ang walang trabaho. Isa na si Kristine Hermosa na matagal na ring pahinga sa trabaho.

Anyway, magpapatalbugan sila nina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, Roxanne and Cristine sa Banana Split.

o0o

For a change, hindi pagpapa-cute ang gagawin ni Sam Milby sa kanyang first action-suspense indie film na Cul De Sac. May pagka-dark daw ang pelikula with Jodi Sta. Maria.

Nakilala kasi si Sam na pa-cute noon pero parang habang nagtatagal, parang nag-iiba siya ng linya.

Kelan lang din ay na-appoint siya ng Department of Education Center for Students and Co-Curricular Affairs bilang youth spokesperson and role model ng nasabing ahensiya.

Anyway, bukod doon excited na rin si Sam sa kanyang solo concert na I Am Sam: Rockoustic Heartthrob sa October 25 sa Aliw Theater.

ALIW THEATER

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SPLIT

CRISTINE REYES

CUL DE SAC

DEPARTMENT OF EDUCATION CENTER

I AM SAM

JODI STA

KRISTINE HERMOSA

NAGKATAON

ROCKOUSTIC HEARTTHROB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with