Car racer kaagaw ni Sam kay Anne Curtis
Taliwas sa inaasahan ng marami, hindi disappointed si Arnell Ignacio na magtatapos na sa GMA7 ang kanyang reality game show na Gobingo.
“ Talaga namang hanggang two seasons lang ito na tulad ng maraming shows. Ano naman ang ikalulungkot ko, naging matagumpay naman ito. Magkakaro’n din ng kaparehong game show ang kabilang istasyon, isang patunay na naging popular ito. Kung hindi, ba’t nila susundan?
“Hindi naman ako mababakante, I have other things to do.Regular naman ako sa SOP, meron kaming radio program sa DZBB ni Susan Enriquez. Hindi ito showbiz-oriented but I think effective ako sa mga non-showbiz things. Hindi ko kayang mag-negative sa mga kapwa ko taga-showbiz. Dito pag-uusapan namin ni Susan ang mga current events, tulad ng isyu sa melamine. Hindi ko man kayang makipag-away sa mga government agencies, at least makapagbibigay ako ng sarili kong opinyon, masasabi ko ang mga sarili kong reklamo. Kahit papaano magiging influential ako, kami.
“Masaya ako dahil naging napaka-positive ng naging effect ng Gobingo sa tao. Hindi man kami nagbibigay ng milyon araw- araw, at least marami kaming natutulungan, araw-araw may umuuwing may pera sa bulsa,” mahabang kwento ng magaling na host.
* * *
Dapat siguro mabahala si Sam Milby dahil isang batam-batang car racer ang smitten sa charm ni Anne Curtis. Ito ay si Tyson Sy, ang youngest world car racer champion na champion din sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Valenzuela, Bulacan. Siya rin ang itinuturing na Highest Paid Filipino sa larangan ng karera ng kotse since the late Arsenio Dodjie Laurel.
Simula nang tumigil siya pansamantala sa pangangarera dahilan sa isang aksidente ay ginugugol niya ang panahon niya sa pag-iikot sa mga barangay at elementry schools para sa feeding and nutrition program ng mga bata. Nagtatag din siya ng mga sports events para mailayo sa droga at pagsusugal ang mga kabataan. Sa tulong ng kanyang mga sponsors sa car racing at sa pamamagitan ng kanyang mga prize money from racing cars, nakapagtatag siya ng Tyson Sy Foundation.
* * *
Masayang-masaya ngayon si Lance Raymundo dahil kasama siya sa latest project ng ABS-CBN, ang remake ng dating pelikula ni Ace Vergel na Pieta. Ang obra-maestra ni Carlo J. Caparas na unang lumabas sa komiks at naging pelikula noong dekada 80. This time, ang gaganap sa role na Rigor na dating pinagbidahan ni Ace ay si Ryan Agoncillo at kay Cherie Gil naman napunta ang dating role ni Charito Solis bilang Amanda.
Habang sinusulat ang article na ito ay wala pang confirmation kung sino ang final na gaganap sa dating role ni Vivian Velez.
Nag-audition si Lance for the part and mapalad namang napili bilang Turko, ang kalaban ni Rigor. Mismong si direk Toto Natividad ang naroon nang mag-audition siya. Malayo sa tunay niyang buhay ang kanyang role, pero wala siyang kiyeme sa mga fight scenes at enjoy siya sa taping. Kampante rin siya kasi matagal na silang magkaibigan ni Ryan dahil magkakasama sila sa Levi’s as image models noong mga teenagers pa sila.
- Latest