Bagong dyowa ni Michelle tuwang-tuwa sa celebrity treatment
Kakuwentuhan namin si Ogie Alcasid sa taping ng Celebrity Duets at nalaman naming this week pa babalik sa Australia sina Michelle van Eimeren, ang mga anak na sina Leila at Sarah at ang ‘special friend’ ni Michelle na si Mark Murrow na tuwang-tuwa’t celebrity daw siya.
The happiest concert kay Ogie ang Twenty-Twenty, pero kahit marami ang request na magkaroon ito ng repeat, malabong mangyari. Ang hirap i-schedule ang availability ng 20 guests sa concert.
Abangan na lang daw ang concert niya sa Aliw Theater sa December 20 & 21 with Ramiele Malubay, ang Fil-Am na pumasok sa Top 12 ng Season 7 ng American Idol . Ang alam naming title ng concert ay Ogie Sings with the Idols, pero baka mabago pa. Kasama rin dito si Danny Noriega ng AI 7 pa rin, ang first Pinoy Idol na si Gretchen Espina at Robby Navarro.
Ang nakalimutan naming itanong kay Ogie ay kung totoong nakiusap siya kay direk Louie Ignacio na TV director ng Twenty-Twenty na sa duet nila ni Regine, alisin na ang part na nakunang pinapanood sila ng anak niyang si Sarah.
* * *
Sa October 15, na magsisimulang mag-shooting sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Class Picture episode ng Shake, Rattle & Roll X. Sinunod ng Regal Films ang request ng Star Magic ng ABS-CBN na puro Star Magic talents ang isama sa dalawa para walang aberya sa schedule.
Mahirap nga naman kung may kasamang GMA 7 talents at iba ang schedule, hindi agad matatapos ang shooting. Magandang puro Kapamilya talents ang nasa pelikula para solid ang promo ng episode ng movie na entry sa Metro Manila Film Festival.
Na-consider isama sa cast si Empress Schuck, hindi lang natuloy dahil may conflict pa ang manager nitong si Becky Aguila sa Regal Entertainment.
* * *
Ngayong Monday episode ng Moms na My Dream, My Life, pag-uusapan ng mga guest na sina Karylle, Joanna Ampil, at Precious Lara Quigaman kung ano ang mga ginawa nila para maabot ang kanilang mga pangarap.
Hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes sa Moms na napapanood, Monday to Friday, 5:00 pm. sa Q-11. (Nitz Miralles)
- Latest