Toni Nanghihiram Lang ng Damit
Mabilis na gumagawa ngayon ng pangalan si Alex Gonzaga, nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Apat ang TV shows nito sa kasalukuyan, Your Song, Lokomoko, Juicy at Tiny Tony katambal si John Prats.
Inamin nito na magkaiba ang karakter nila ng kanyang Ate Toni kung saan moody ito samantalang approachable naman siya. Pareho silang hosts ngayon - siya sa Juicy (TV5) at si Toni sa Pinoy Big Brother at Entertainment Live. Sa kanilang dalawa, sinabi ni Alex na mas epektibong host ang kapatid.
“Taklesa po ako dahil minsan, ginagawa kong biro yung pagkamatay ng isang celebrity o kaya’y ang kanyang pagkakasakit. Mas marami po akong pagkakamali, nagba-buckle ako samantalang si ate ay spontaneous,” aniya.
Inamin din ni Alex na sa kanya nanghihiram ng damit si Toni dahil wala siyang time mamili dahil sobrang busy sa mga commitment.
“Ako ang nagsu-supply sa kanya ng damit. Doon siya lagi sa cabinet ko kumukuha. Hindi ako makapagreklamo dahil pera niya yun. Pero ngayon, pera ko na yun kaya nahihiya na siyang kumuha ng damit,” pagbubuking ni Alex.
* * *
Super galing ni Aiza Seguerra di lang sa pagkanta kundi gayundin sa pagtugtog ng gitara.
Matagumpay na singer si Aiza dahil ang kanyang international album na Open Arms ay nagkamit ng gold record award under S2S Productions sa Singapore.
Namamayagpag sa Singapore Jazz Chart ng tatlong linggo ang international album niya kung saan hanga ang lahat sa malamig na boses ng dating child star.
* * *
Nakakatawa naman ang naging pahayag ng isang sikat na young actor na crush na crush niya ngayon ang isa ring sikat na young actress na kapareha nito sa bagong teleserye.
Gandang-ganda siya sa mukha ng kapareha at sinabing perfect beauty ito. Nilapitan ako ng isang manager at sinabi na paboritong linya ng aktor ang perfect beauty dahil noong maging nobya nito ang kanyang alaga, mga kataga ring yun ang kanyang sinasabi.
“Naku, lahat ng nililigawan niya laging sinasabing gandang-ganda siya dahil perfect beauty ito,” anang manager.
- Latest