^

PSN Showbiz

Jennylyn parang 'di nanganak nakakarampa na sa mall

- SEEN SCENE -

Seen : Ang shampoo commercial nina JC De Vera, Alfred Vargas, Katrina Halili at Nadine Samonte. Hindi pulido ang pagkakagawa sa TV commercial. Hindi magkasabay ang buka ng boses ng mga artista at ng mga sinasabi nila. Re-editing ang kailangan.

Scene : Hinahangaan si Bruce Quebral sa desisyon nito na iwanan ang showbiz. Pinupuri ang pagiging praktikal ni Bruce. Alam niya na hindi stable job ang pag-aartista. Alam niya na mas malayo ang kanyang mararating kung susubok siya ng ibang propesyon.

Seen : Ang mga e-mail na ipinadadala ng fans nina Toni Gonzaga, Nicole Uysiuseng at Robi Domingo sa mga executive ng ABS-CBN.

Walang galang ang fans. Gumagamit sila ng iba’t-ibang e-mail address upang umapela na bigyan ng TV project ang Nicole-Robi loveteam at huwag pagsamahin sa pelikula sina Toni at Sam Milby.

Niloloko ng fans ang kanilang sarili at ang ABS-CBN executives. Iisang tao lang ang gumagawa at nagpapadala ng mga e-mail (raginaz­[email protected], [email protected], xragi­[email protected], [email protected], [email protected], iamsuper­[email protected] at [email protected] ).

Scene : Ang magandang kuwento ng Kahit Isang Saglit. Ang clamor ng viewers na ilipat sa early timeslot ang show nina Jericho Rosales at Carmen Soo. Malabong mapagbigyan ang request ng viewers. Isang police story ang Kahit Isang Saglit. May mga eksena na hindi dapat mapanood ng mga bata. Kailangan ng mahigpit na parental guidance.

Seen : Ang pictorial ni Carlos Agassi para sa isang underwear brand. Walang-wala sa physical appearance ni Carlos na may sakit siya. Solid proof ang kanyang bagong pictorial. Biktima si Carlo ng mga paninira.

Scene : Matalino si Armando Solis. Executive siya ng malaking kompanya. Emperatriz ang tawag niya kay Betty La Fea. Si Armando Solis ang karakter ni John Lloyd Cruz sa I Love Betty La Fea. Matalino si Armando ngunit hindi niya memoryado ang pangalan ni Betty. Hindi believable.

Seen : Si Francis Magalona at ang kanyang pamilya sa Eastwood. Touched na touched ang mga tao nang makita nila na pinupunasan ng mga anak ni Francis ang likod nito na nabasa ng pawis. Ideal family.

Scene : Mababa ang rating ng mga TV appearance ni Aiko Melendez at ng kanyang boyfriend, si Patrick Meneses. Hindi interesado ang televiewers sa kanilang relasyon.

Seen : Jennylyn Mercado shopping at Shangri-la Mall. Bumalik na sa dati ang katawan ni Jennylyn. Parang hindi siya nanganak. Hindi pa lumalabas sa telebisyon si Jennylyn ngunit pumupunta na siya sa mga mall.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALAM

ALFRED VARGAS

ARMANDO SOLIS

BETTY LA FEA

BRUCE QUEBRAL

CARLOS AGASSI

KAHIT ISANG SAGLIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with