Young actress nakipag-quickie sa kaparehang aktor
Naisyete ng aking source na taga-showbiz na nakita niya ang magandang aktres na pumasok sa dressing room ng sikat na aktor. Patungo rin kasi siya sa nasabing dressing room dahil may kukunin sa sikat na aktor pero locked ang pinto.
Naghintay ang aking source na makalabas ang aktres na inabot doon ng 30 minutes. Basta’t naririnig niyang tumitili ang aktres at pakiramdam niya ay nagso-short time ang dalawa.
Maya-maya ay lumabas na ang sikat na young actress habang naiwan pa sa loob ng dressing room ang sikat na aktor.
Magkasama ang dalawa sa isang soap opera at pareho pang may career.
* * *
Kung si Judy Ann Santos ang masusunod, dahil pribado siyang tao gayundin ang nobyo nitong si Ryan Agoncillo at sakaling lumagay na sila sa tahimik, mas type nito ang isang beach wedding na magaganap sa isang isla na dadaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya.
“Kung pagpalain ng Diyos, sana nga’y mapadali,” anang aktor.
Limang taon na ang relasyon nina Juday at Ryan at kung sila ang masusunod, dalawa lang ang gusto nilang maging anak.
Sa kabilang banda, naniniwala sa kulam si Juday at naging biktima rin daw siya nito.
“Ngayon lang ako nakagawa ng horror film. Mahirap pero sulit,” aniya.
Dobleng hirap ang dinanas nito sa paggawa ng pelikula dahil sa prosthetics. Dobleng galing din ang special effects, tunog at music na ginamit sa pelikula. Palabas na ang Matakot Ka sa Kulam mula sa Regal Films.
- Latest