Rustom mala-diyosa sa Urian!
Hindi ko sasabihin na girl na girl o feeling girl si Rustom Padilla nang umapir ito sa Gawad Urian noong Miyerkules.
Girl talaga ang tingin ko kay Rustom dahil ang ganda-ganda niya. Bagay kay Rustom ang long hair, tama ang make up niya at seksing-seksi siya sa kanyang outfit.
Siyempre, si Carmina Villaroel ang naisip ko nang makita ko ang mala-Diyosa na kagandahan ni Rustom. Ano kaya ang na-feel ni Carmina nang ma-sight niya ang dating asawa.
Bilib ako kay Carmina dahil never siyang nagsalita nang mag-come out noon si Rustom. Tumahimik siya, itsurang kinukulit siya ng media para sa kanyang statement.
Tama ang desisyon ni Carmina na manahimik dahil nakuha niya ang respeto ng madlang-bayan. Knowing her, hangad din niya na maging maligaya si Rustom.
* * *
Ang akala ng marami, nasa ibang bansa si Rustom dahil walang balita tungkol sa kanya.
Yun pala, naririto lang siya sa Pilipinas at busy yata sa pag-aaral ng ballet. Kita n’yo naman, matagal na nanahimik si Rustom pero maingay ang kanyang pagbabalik. Nag-anyong babae lang siya sa Gawad Urian, umingay na uli ang kanyang pangalan!
Tinalbugan ni Rustom si Cherry Pie Picache na nag-win ng best actress award. Kung may Star of the Night atsutsutsu ang Gawad Urian, sure ako na si Rustom ang winner. Mortal sin kapag natalo siya!
* * *
Pinaplano na ni Mother Lily Monteverde ang victory party dahil hit na hit sa takilya ang Mag-ingat Ka sa Kulam.
Looking forward ako sa victory party para maharbatan ko si Mother Lily na isa sa mga generous produ na nakilala ko.
Never kong malilimutan si Mother dahil siya ang unang nagdala sa akin sa abroad. May-I-bring niya ako sa Hong Kong with matching shopping allowance.
Masayang-masaya si Mother Lily. Alam niya na magugustuhan ng mga tao ang Kulam pero hindi niya inaasahan na monster hit ang pelikula.
Eh usap-usapan na maganda ang Kulam. May mga kakilala nga ako na nagbabalak na panoorin ang pelikula dahil sa mga kuwento na kanilang narinig.
Happy ako para kay Mother Lily. Hindi siya nagkamali na ipalabas sa mga sinehan noong October 1 ang pelikula na one year in the making. Lucky charm talaga ni Mother si Judy Ann Santos. Walang pelikula si Juday sa Regal na hindi pinilahan sa takilya. Siya mismo ang nagsasabi na ang Regal Films ang nagbigay sa kanya ng unang hit movie, ang Sana Naman.
Hindi ako naniniwala kay Mother kapag sinasabi nito na titigil na siya sa pagpo-produce ng pelikula. Kilalang-kilala ko si Mother. Mahal na mahal niya ang movie industry. Hindi mangyayari ang kanyang pralala na ayaw na niyang gumawa ng pelikula.
* * *
Puwedeng magkaroon ng sequel ang Kulam gaya ng Shake, Rattle & Roll series ng Regal Films.
Knowing Mother Lily, nag-iisip na siya ng sequel at puwedeng si Jun Lana uli ang scriptwriter at direktor ng part 2 ng Kulam.
Magaling na writer si Jun. Kayang-kaya niyang makaisip ng bagong kuwento tungkol sa Kulam. Kayo na ang maging award-winning scriptwriter.
Type ko si Jun dahil tahimik siya at hindi katulad ng ibang direktor na pa-know-it-all ang drama.
Napagkakamalan si Jun na suplado dahil mahiyain siya pero sa totoo lang, napaka-humble niya.
- Latest