^

PSN Showbiz

Bagong asawa bitbit ni Michelle sa concert ni Ogie

-

Ipinakilala ni Michelle van Eimeren sa TV reporter si Mark Murrow as her “love” at ipinagmalaking mabait ang lalaking pumalit kay Ogie Alcasid sa kanyang puso. Sinamahan ni Mr. Murrow si Michelle at mga anak nitong sina Liela at Sarah sa pagpunta ng ‘Pinas para magbakasyon at manood ng very successful Twenty-Twenty concert ng TV host, comedian, singer-composer last Saturday sa Araneta Coliseum.

Pabirong winarningan ni Ogie ang boyfriend o (husband na ba?) ni Michelle na dahil sa paglantad niya, magiging laman siya ng tabloids. Mukha namang handa na ito at si Michelle na masulat at ma-report sila sa TV.

Isa sa magandang parte ng concert ay nang kantahan ni Ogie ang mga anak ng I Will Be Here at isinunod niya ang pasasalamat kina Michelle at Mark for taking care of his children na hindi nga niya nagagawa dahil nandidito siya most of the time.

Nakakatuwa’t ang audience ang umiyak, samantalang teary-eyed si Michelle at emotional si Ogie.

Towards the end of the concert, nakitang karga-karga ni Mark si Sarah habang ang mag-inang Michelle at Leila ay nagsasayaw. Ang ganda ng eksena!

Ilang araw pa rito sina Michelle, Mark at Leila at Sarah at balita namin, pupunta pa sila sa Hong Kong with Ogie para pumasyal sa Hongkong Disneyland. (Nitz Miralles)

ARANETA COLISEUM

HONG KONG

HONGKONG DISNEYLAND

I WILL BE HERE

LEILA

MARK MURROW

MICHELLE

MR. MURROW

NITZ MIRALLES

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with