Kulam ni Juday nakakatakot
True ang sinabi ni Mr. Roy Iglesias, writer ng maraming pelikula ng Regal Films na kung tatanggalin ang bahagi ng Regal Films sa kasaysayan ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde, ninipis ang kuwento tungkol dito.
Malaki ang naging bahagi ng Regal sa industriya ng pelikula na ngayon ay 48 years na palang nagpo-produce ng pelikula.
Kahapon ay binigyan si Mother Lily Monteverde ng tribute ng mga artistang naging bahagi ng kanyang kumpanya sa SOP sa loob ng halos limang dekada. Bumati sa kanya ang maraming artista at ang iba naman ay sa VTR.
Maraming artista nga naman ang nag-umpisa sa Regal na ngayon ay humahataw pa rin ang career.
Nag-apir ng personal si Juday dahil naudlot ang trip nila sa Amerika para sa premiere ng Ploning dahil nagkaroon daw ng problema sa producer doon na si Aida Arceo ayon sa mga narinig kong kuwento.
May special eye kasi talaga si Mother sa mga sisikat na artista.
Si Marian Rivera noon, paapir-apir lang sa mga supporting roles, pero look where she is now. Ang layo na nang narating niya.
Anyway, say ni Mother, hangga’t may nanonood, gagawa siya ng pelikula.
Anyway, ang Matakot Ka Sa...Kulam starring Judy Ann Santos at Dennis Trillo ang anniversary presentation ng Regal. Showing na ito sa Wednesday. Sa trailer pa lang, sobrang nakakatakot na ang pelikula.
Actually, kilala ang Regal Films sa paggawa ng horror films tulad ng Shake, Rattle and Roll, Regal Shockers, Aswang, Impaktita at marami pang iba. Kaya’t kaabang-abang ang bagong pelikulang katatakutan na gawa ng premyadong manunulat na si Jun Lana na tatalakay sa isang kababalaghan sa kulturang Pilipino - ang Kulam.
“Maraming mga bagay sa ating kultura ang hindi natin maipaliwanag tulad ng kulam - ngunit susubukang ipaintindi ng pelikula ang epekto ng kulam sa buhay ng isang tao,” sabi ni Direk Jun Lana.
- Latest