^

PSN Showbiz

Malakas Uminom Ng Alak; Yasmien Kurdi Madalas N G E N G E

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kung si Sarah Geronimo ang sinasabi ko palagi na next superstar, si Yasmien Kurdi naman ang next Didith Reyes!

‘Yon eh kung totoo ang nababalitaan ko na malakas uminom ng alak at mada­las na ngenge o lasing si Yasmien.

Kinompronta ko na si Yasmien, nag-deny na siya pero hindi mamatay-matay ang tsismis na nalasing siya sa birthday party ni Dolly Anne Carvajal.

Mas naniniwala ako sa mga nagparating sa akin ng balita dahil walang dahilan para siraan nila si Yasmien.

Bakit ko ikinumpara si Yasmien kay Didith Reyes? Sikat na sikat noon si Didith pero natsugi ang kanyang career dahil naging alcoholic siya. Si Didith ang superstar noon sa mga singer at dahil sa kanyang masamang bisyo, na-Luz Valdez ang kanyang showbiz career.

Alaga ko si Yasmien. Hindi ako nagdadalawang-isip na kastiguhin siya kung kinakailangan para madisplina siya kung totoo man ang mga balita na nakaka­rating sa akin!

* * *

Mamayang hapon ang blessing ng Flawless branch sa Olongapo City at mga special guest sina Katrina Halili at Mark Herras.

 Ang dalawa ang dapat abangan ng mga taga-Olongapo dahil pagkakataon na nila na makita nang personal sina Katrina at Mark.

Ang Flawless sa Olongapo ang unang branch sa labas ng Metro Manila at sure na masusundan pa ito ng maraming branch sa buong panig ng Pilipinas.

May ibang appointment si Mark pero pinili niya na puntahan ang blessing ng Flawless sa Olongapo.

* * *

Bumalik ako kagabi sa burol ni Daddy Rollie pagkatapos ng Startalk para makiramay uli sa kanyang pamilya.

Fourteen years kaming nagkasama ni Daddy Rollie at ni Gabby. Sa loob ng 14 years, mas marami ang magandang pinagsamahan namin kung ikukumpara sa nangyari sa amin ni Gabby noong 1994.

Matagal na akong nag-move on. Kung na-trauma noon si Gabby, na-trauma rin ako pero inisip ko na talagang mangyayari ang mga nangyari dahil mas marami ang aral na natutunan ko at siguradong ganoon din si Gabby.

Napanood ko sa TV ang mga sinabi ni Rina at Mommy Baby. Bumilib ako sa mag-ina dahil klaro ang mga mensahe na gusto nilang iparating kay Mommy Rose Flaminiano.

Si Rina ang kapatid na babae ni Gabby at si Mommy Baby ang kanilang ina. Principal si Mommy Baby sa school na pag-aari nila kaya straight to the point ang kanyang mga sagot at explanation.

Nakikiramay uli ako sa mga naulila ni Daddy Rollie. Ngayong hapon ang kanyang libing sa Loyola Memorial Park.

* * *

Hindi true ang tsismis na nagkakalabuan o hiwalay na sina Pops Fernandez at Jomari Yllana dahil sila ang magkasamang dumating sa unang gabi ng burol ni Daddy Rollie.

Pinagtawanan lang nina Gabby at Jomari ang mga mapanirang tsismis tungkol kina Gabby at Pops.

Naloka nga si Nadia Montenegro dahil nagmagandang-loob na nga si Pops na mag-guest sa concert ni Gabby sa Music Museum, siya pa ang nakatikim ng mga paninira.

Mabuti na lang, artista rin si Jomari kaya naintindihan nito na biktima ng mga intriga ang love of his life. Maraming beses nang natsitsismis na hiwalay sina Pops at Jomari pero going strong ang kanilang relasyon.                                           

vuukle comment

DADDY ROLLIE

DAHIL

DIDITH REYES

GABBY

JOMARI

MOMMY BABY

OLONGAPO

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with