^

PSN Showbiz

Piolo gustong 'paglaruan' ni Angelica

-

Kung meron mang men na gustong ‘paglaruan’ ni Angelica Panganiban sa kanilang bagong show na Banana Split, si Piolo Pascual ‘yun. Sigurado raw kasing kikiligin sila nina Cristine Reyes, Roxanne Guinoo at Valerie Concepcion kasama sina RR Enriquez, Princess Ryan at Dianne Medina pag pinaglaruan nila ang aktor.

Parang masarap daw kasi si Piolo.

Si Cristine naman, type niya si Vhong Navarro. Magaling daw kasi itong komedyante.

At tungkol sa nababalitang pagsu-suicide ni Cristine, “hindi totoong nag-suicide ako. Masaya ako rito (sa ABS-CBN), maraming nagmamahal sa akin,” sabi ni Cristine na mabuti naman at kahit paano ay nagsasalita na tungkol sa mga intriga sa kanya.

Anyway, bukod sa pagandahan ng katawan, patalbugan din sila sa pagpapatawa sa Banana Split. Patterned ang programa sa Goin’ Bananas noon. Say ni Direk Edgar Mortiz, female version sila ng Goin’ Bananas, na siya ring namamahala ng show.

Pero ayaw niyang i-describe na sex comedy ang programa.

Puro lalaki ang magiging guest nila rito.

* * *

Akala ko ba split na sila Lovi Poe at Jolo Revilla. Uy, hindi pa pala. Very much together pa sila. In fact magkasama silang dumating sa birthday celebration ni Sen. Bong Revilla na dinaluhan ng mga kaibigan ng tatay ni Jolo sa pulitika at show­biz.

Actually, dinumog ang party ni Sen. Bong. Dumating sila Gretchen B., Ruffa G. Aga M. at maraming-marami pang iba.

Pero kaaliw ang message ni Lani Mercado sa kanyang asawang senador: “God is watching. Ingat ka, baka mahuli ka sa akto.” (Salve V. Asis)

vuukle comment

AGA M

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SPLIT

BONG REVILLA

CRISTINE

CRISTINE REYES

DIANNE MEDINA

DIREK EDGAR MORTIZ

GOIN

GRETCHEN B

JOLO REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with