^

PSN Showbiz

'Ako pa rin daw ang gusto niya (tatay ni Gabby) na maging manager ng kanyang anak'

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Gusto kong ipaabot ang aking sincere na pakiki­ramay kay Gabby Concepcion at sa mga naulila ni Daddy Rollie Concepcion. Namatay si Daddy Rollie noong Martes ng gabi sa Lourdes Hospital dahil sa heart attack.

Dati nang may sakit sa puso si Daddy Rollie. Natatandaan ko ang sinabi ni Gabby nang magkita kami sa libing ni Rudy Fernandez na 25% na lang ng puso ng kanyang ama ang gumagana. Marami raw bara ang puso ni Daddy Rollie.

Nalaman ko ang nangyari sa tatay ni Gabby dahil sa tawag ni Manay Celia Rodriguez noong Martes ng gabi.

Maaga akong natulog kaya ang aking mga maid of honor ang nakausap ni Manay na nagbilin na sabihin sa akin na namatay na nga si Daddy Rollie.

Nag-return call ako kay Manay Celia kahapon at inulit niya sa akin ang balita. Magkikita raw sana sila ni Gabby noong Martes pero hindi natuloy ang kani­lang meeting dahil sa nangyari kay Daddy Rollie.

Nalungkot ako dahil matagal din ang pinagsa­mahan namin ni Daddy Rollie. Kung 14 years ang pag-aalaga ko kay Gabby, 14 years din ang samahan namin ng kanyang ama.

Si Daddy Rollie ang nag-convince sa akin na i-manage ang career ni Gabby. In fairness, hindi siya nagtanim ng galit laban sa akin nang mangyari ang filmfest scam noong 1994.

Gaya nang ikinuwento ko sa Startalk noong Saba­do, nagkita kami ni Daddy Rollie noong unang mag­plano si Gabby na bumalik sa Pilipinas. Sinabi niya sa akin na ako pa rin daw ang gusto niya na maging manager ng kanyang anak. Ipinagkatiwala sa akin ni Daddy Rollie ang mga dokumento na dinala ko sa Amerika para pirmahan ni Gabby pero hindi naman kami nagkita.

* * *

Mabilis palang kumalat ang balita tungkol sa pagka­matay ni Daddy Rolly. Sumugod sa Lourdes Hospital sa Sta. Mesa ang mga TV reporter pero wala na silang naabutan dahil dinala sa Loyola Marikina ang labi ng tatay ni Gabby.

Itsurang umuulan, nagpunta sa Marikina ang mga reporter at TV crew. Umuwi silang luhaan dahil ipinag­bawal ang media na makapasok.

Hindi rin nila na-sight ang mga kamag-anak ni Daddy Rollie, lalo na ang kanilang pakay na si Gabby.

Binasa kahapon ni Lhar Santiago sa Unang Hirit ang text message mula kay Nadia Montenegro.

Nakikiusap daw ang pamilya Concepcion na hayaan muna sila na magluksa, in private at bukas na lamang pumunta sa burol ang mga gustong makiramay.

Hindi pa alam kung kailan ililibing si Daddy Rollie dahil hinihintay pa ang pag­da­ting mula sa Amerika ng kanyang asawa at mga anak.

* * *

Dedma ang mga baklita sa pag-amin ni Clay Aiken ng American Idol fame na bading siya.

Hindi shocking ang revelation ni Clay dahil matagal nang alam ng lahat na baklita siya. Ikinumpara siya kay Rustom Padilla na matagal nang questionable ang gender at confirmation na lang ng tsismis ang pag-amin niya.

Ang pagkakaiba lang, nagkaroon ng anak si Clay sa pamamagitan ng artificial procedure. Hindi katulad ni Rustom na matagal na nakisama kay Carmina Villarroel pero hindi sila biniyayaan ng anak.

AMERICAN IDOL

DADDY

DADDY ROLLIE

DAHIL

GABBY

LOURDES HOSPITAL

ROLLIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with