^

PSN Showbiz

Goma wala na uling planong mag-pulitika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May action kayang gawin ang GMA 7 sa pagkalat sa Net ng diumano’y sex scandal ni Jace Flores, isa sa castaway ng Survivor Philippines? May nag-forward sa amin ng video clip na galing daw mismo sa account ng 19-year-old castaway.

May three video clips ang na-forward sa amin kung saan, makikita si Jace with three different girls. Nakikipaghalikan ang binata sa mga girls in their skimpy underwear. Nakunan si Jace na nakatingin sa camera at obvious na alam nitong kinukunan sila. 

* * *

Biruan ng press sa launching ng new shows ng Q-11, nagka-nose bleed sila’t Inglesero’t Inglesera ang hosts ng House Life, True Confections at Fashionistas By Heart. Pati ang hosts ng launching na sina Stef Henares at Hillary (‘di namin gets ang surname), English din ang salita, patunay ‘yun na marami pa ring Pinoy ang magagaling mag-English.

 Nakita namin si chef Rosebud Benitez, host ng Quickfire na himalang hindi nasaktan nang tumaob ang kotse sa may Guadalupe. 

 Aliw si Tessa Prieto-Valdes, host ng House Life na magpa-pilot sa Monday, September 29, dahil may sarili na siyang show at tinanong ang press kung type ng tsika sa Celebrity Duets. Kasama niya rito sina Aissa Gonzalez, Tristan Jovella at Marilen Faustino-Montenegro.

* * *

Masaya si Lucy Torres-Gomez sa success ng Sweet Life nila nina Wilma Doesn’t at Grace Lee. Going on two na ang show nila at she has the staff to thank for dahil ginagawa ang lahat na magkaroon sila ng viewer-friendly show at free silang magbigay ng input.

Ikinatuwa pala ni Lucy ang nalamang sinabi ng asawang si Richard Gomez na wala na itong balak magpulitika uli. Tama na sa kanyang nasa active ito sa showbiz, sports at sa NMPP o Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino. Sakit ng ulo raw talaga ang politics.

Very proud din si Lucy na si Richard ang napili ng GMA 7 na mag-host ng Family Feud at tiyak siyang gagawin nito ang lahat para mapaganda ang game show na nag-dry run na noong Martes for it’s October airing. Makakatapat ng FF ang Deal or No Deal ni Kris Aquino, pero tiniyak nitong hindi ito makakaapekto sa friendship nila.

* * *

Ang mabilis na ligawan ang topic sa Thursday episode ng Moms entitled Makabagong Panahon, Makabagong Ligawan. Mag-a-agree ang viewers na may mga relasyong nagsimula lang sa ngiti at eye contact, pero may mga naniniwala pa rin sa makalumang courtship.

vuukle comment

AISSA GONZALEZ

CELEBRITY DUETS

FAMILY FEUD

FASHIONISTAS BY HEART

GRACE LEE

HOUSE LIFE

JACE

JACE FLORES

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with