'Hindi ko girlfriend si Anne!' - Sam Milby
Marami nang nagtaas ng kilay sa sinabing ito ni Sam Milby dahil matagal nang tinanggap ng publiko na mayro’n silang relasyon at wala naman ni isa sa kanilang dalawa na nagtatwa nito. Ngayon na lamang dahil nabalitaang nag-split na sila.
“Hindi ko girlfriend si Anne (Curtis, kapareha niya sa Dyosa). We used to be together, nagkaro’n ng panahon na naging kami. Now we need to concentrate on our career.
“It’s not true that we split dahil I’m conservative and she’s liberal, na pinagbabawalan ko raw siya maging daring sa kanyang mga roles. Hindi ako gano’n although I will admit seloso ako.
“Walang third party and although we’re not together anymore I still have feelings for her, nandun ’yon, hindi mawawala,” pagtatapat ng FilAm guy who is preparing for his major solo concert, Sam Milby: The Rockouztic Heartthrob, na magaganap sa Aliw Theater sa October 25, Saturday.Guests sina Pokwang, Yeng Constantino, G-Force, and Arnel Pineda, prodyus ng ASAP Live at nasa direksyon ni Marvin Querido.
Nang makausap ko si Sam recently, mala-Adonis ang kanyang pangangatawan. Utang daw niya ito sa regular na pagpunta sa Gold’s Gym, hindi pagkain ng baboy, baka at kanin. Salad, gulay, manok at cereals lamang siya sa umaga.
Hindi na rin siya gumagamit ng kotse, mas madalas siyang nagmo-motor kahit halos lahat yata ng kaibigan niya’t kakilala ay pinagbabawalan siya dahil delikado ito.
“Masyadong ma-traffic, mas madali kung naka-motor lang ako,” sabi niya sa kanyang matatas nang pananagalog. “I get excited when I’m using my 600cc Yamaha, maski na minsan ay nabangga ako, the excitement hasn’t diminished. I’ve also been bruised many times but nothing serious. What I can do is bawasan ang speed ko because I drive very fast,” paliwanag niya.
Sa kasalukuyan, Sam has been designated by the Department of Education for Students and Co-Curricular Affairs (DepEd-CSCA) as their youth spokesperson and role model. Bukod sa Dyosa, may ginagawa siyang indie film, ang Cul De Sac. Ipalalabas ito rito at maging sa labas ng bansa.
Hindi mo masisisi si Sam kung binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang career ngayon kesa pag-ibig, tambak kasi ang proyektong dumarating sa kanya ngayon. Wala talaga siyang panahon na maibibigay sa kanyang magiging girlfriend. Tanungin n’yo pa si Anne.
* * *
Napaka-wise naman ni Claire dela Fuente na i-launch ang kanyang Claire dela Fuente The Christmas Album ng maaga. Pagdating nga naman ng Kapaskuhan, baka naka-gold, silver o platinum na ito. Lalo’t iisipin na nauna na siya at ang 12 awitin na laman ng album ay inawit niya kasama ang Village Voices Chorale (Gloria Hillard, director) at Marian Choir, dalawang American singing groups at ang mga Christmas songs ay mga kantang alam ng lahat ng Pinoy tulad ng I’ll Be Home For Christmas, Kahit Ilang Pasko, Mary’s Boy Child, Have Yourself a Merry Little Christmas, You’re All I Want For Christmas, Silent Night atbp. Prodyus ito ni Christian de Alden at mismong si Claire at ang Viva big boss na si Vic del Rosario ang mga producers.
Pagkatapos niyang mag-host kay Richard Carpenter nang bumisita ito ng bansa ay naging abala si Claire sa pagtatapos ng kanyang master’s degree sa management at ilang mga shows bago pa naasikaso ang Christmas album.
Sa Oktubre 17 may live concert sa Music Museum si Claire kasama sina Rico J. Puno, Eva Eugenio, Dr. Hayden Kho at MMDA Chairman Bayani Fernando at Sec. Angelo Reyes. Pinamagatang Claire dela Fuente, Timeless, ipakikilala sa concert ang composer/son ni Claire, si Gregorio Angelo Rafael dela Fuente de Guzman.
- Latest