^

PSN Showbiz

Gretchen nagsasaya sa giyera Nina Nadia at Rose Flaminiano

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kapag nababasa ngayon ni Gretchen Barretto ang mga litanya ni Mommy Rose Flaminiano tungkol kay Nadia Montenegro ay lihim na lang siyang napapatawa. Ganun din kasi ang naglalaro sa utak noon ni Gretchen, hindi nga lang niya nasabi yun, parang nabasa lang ng manager ni Gabby Concepcion kung ano ang nasa kanyang isip.

Kahit madaldal at prangka si Gretchen ay nakaya pa rin niyang selyuhan ang kanyang bibig noon tungkol kay Nadia, galit na galit na si Gretchen sa babaeng naninira sa kanya, pero hindi pa rin niya pinintasan nang pisikal si Nadia.

Nakatapat ng kalaban si Nadia kay Mommy Rose, ito ang nagsaboses ng gustong sabihin noon ni Gretchen, sigurado kami na yung sinabi ni Mommy Rose na puro mantika lang naman ang mapapala nito kapag idinemanda si Nadia ay nauna nang sumagi noon sa utak ni Gretchen.

Ang bansag na Lilet kay Nadia ay nagmula sa mga dati nitong kagrupo na nakaaway rin nito, para hindi maintindihan ng mga nakapaligid sa kanila kung sino ang kanilang kinaiinisan, tinatawag na lang nilang Lilet si Nadia na ang ibig sabihi’y lilitsunin.

Para kasing bato na hindi nalulumutan si Nadia sa pakikipagkaibigan, wala itong matatawag na kaibigang karnal, nakakaaway ni Nadia ang mga taong nakakasama at nagtitiwala dito.

May isang singer-actress na ipinakilala ni Nadia sa isang grupo, mabait naman ang singer-actress, kaya kinagaanan ito ng loob ng mga kagrupo ni Nadia.

Nung napapansin na nito na kinagigiliwan ng grupo ang kaibigan nitong singer-actress ay nagsimula nang humabi ng kuwento si Nadia. Siniraan na nito ang singer-actress, pero wala itong nagawa, si Nadia ang iniligwak ng grupo at nanatiling kaibigan nila ang singer-actress.

Sabi ng isang dating kagrupo ni Nadia, “Naku, ‘no! Masyado siyang ilusyunada, maninira siya, kapag wala na sa kanya ang attention ng grupo, gumagawa na siya ng paraan para mapansin siya,” sabi nito.

Isinusuka ng nasabing grupo si Nadia. Dalawa ang tawag ng mga ito sa kanya, kundi Lilet ay Ms. Piggy, hindi na siguro namin kailangan pang ipaliwanag kung bakit.

* * *

May isang mensaheng kumalat nung isang araw. Napakanegatibo ng nilalaman nito, grabe ang mga salitang ginamit laban kay Mommy Rose Flaminiano, idinamay rin sa text message ang nananahimik niyang anak na si Lizette.

Na-trace ni Mommy Rose ang cell number ng texter, pinatawagan niya ito kay Attorney Eduardo Flaminiano, si Roby Tarroza ang nagpakalat ng mensahe.

Nung komprontahin ng abogadong mister ni Mommy Rose ang dating nag-aartistang si Robby ay umamin ito, si Nadia Montenegro ang nagbuo ng mensahe, sa kanya lang nito iniutos na ipakalat ang text message.

Grabe ang laman nun, tinawag na maniac si Mommy Rose at ang kanyang anak, ginagawa raw karelasyon ng mag-ina ang mga nagiging artista nila sa FLT Films.

Sa malas ay wala namang ganung isyung kinasangkutan ang mag-ina, sablay dun ang nagbuo ng mensahe, walang artista ng FLT Films na nakarelasyon ang prodyuser.

May problema na talaga si Nadia Montenegro, hindi na gawain ng isang taong nasa katinuan ang mga ganung trabaho, napakabastos ng mensaheng yun na natanggap ng maraming taga-showbiz.

Tuloy ang dami-daming nagbigay ng reaksiyon laban kay Nadia, look who’s talking daw, para naman daw napakalinis ng kartada ni Nadia para nito palabasing uhaw sa lalaki ang mag-ina.

“Nakakaawa naman ang babaeng yun, tama si Gretchen, kailangan na niyang mag-seek ng advice ng isang doktor,” komento ng isang nakausap namin.

Kung maglilitanya si Mommy Rose ng kanyang mga nalalaman tungkol kay Nadia ay mauubos ang espasyong ito, mauubos din ang kanyang oras, dahil sa dami ng mga impormasyong nakarating sa kanya tungkol sa mga milagro ni Nadia.

Pustahan, kasama sa listahan ng litanyang yun si Baron Geisler.

Kung bakit makakaladkad ang pangalan ni Baron? Itanong na lang natin sa mga bituin.

vuukle comment

GRETCHEN

ISANG

KAY

LILET

MOMMY

MOMMY ROSE

MOMMY ROSE FLAMINIANO

NADIA

NADIA MONTENEGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with