^

PSN Showbiz

Goma kabado kay Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kapag umere na ang Family Feud sa third week ng October, before and after 24 Oras na mapapanood si Richard Gomez. Siya ang choice ng Fremantle at GMA 7 na mag-host ng game show at meron pa siyang Codename: Asero na hanggang November pa ang airing.

Nag-audition si Richard kasama ang iba pang celebrity at basta ginawa niya ang best niya, kaya sobrang excited ito nang malamang sa kanya ibinigay ang show. Makakatapat niya ang Deal Or No Deal ni Kris Aquino at ang alam niya, masaya ang TV host sa bago niyang trabaho.

May kaba si Richard dahil established ng host si Kris at siya’y ngayon pa lang sasabak, kaya ang dasal nito’y mataas ang rating ng Family Feud. Sa Tuesday na ang dry run at end of the month ang taping na pinaghahandaan na ng actor.

Tuloy na rin ang movie nila ni Sharon Cuneta sa Star Cinema at sa January next year ang shooting. Nasa kanya na ang storyline ng beautiful love story na may planong mag-shooting sa ibang bansa at ang alam ng actor, sa Mexico sila magsu-shoot.       

* * *

Buong araw nasa GMA 7 si Judy Ann Santos this Sunday at magsisimula ito sa guesting niya sa SOP para i-celebrate ang pagkakapili ng pelikula niyang Ploning as the official entry ng bansa sa Oscars sa Best Foreign Film. Sa hapon, may live chat siya na organized ng NMI ng GMA Network at dito niya sasagutin ang lahat ng tanong.

Sa gabi, dadalo siya sa presscon ng Mag-Ingat Ka sa Kulam ng Regal na showing sa October 1, at sa September 26, aalis siya for Los Angeles para sa screening ng Ploning at para magsimulang mag-lobby para pumasok sa Oscars ang pelikula.

* * *

Hindi napigilang maluha ni direk Joel Lamangan sa laki nang pasasalamat kay Sen. Miguel Zubiri sa ibinigay nitong P2.5 million financial assistance sa scholarship program ng NMPP o Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino. Galing sa Priority Development Assistance Fund ng senador ang pera na ipinagpapasalamat ng buong pamunuan ng NMPP.

Dalawang beses natigil ang pagsasalita ni direk Joel dahil apat na taon na silang humihingi ng tulong at si Sen. Migz pa na hindi taga-showbiz ang unang tumulong. Nasa proseso na rin ang financial help nina Senators Jinggoy Estrada, Lito Lapid at Bong Revilla.

Ang sunod na popondohan ni Sen. Migz ng P2.5 million ay ang housing project ng NMPP at naghahanap na sila ng lugar na malapit sa Metro Manila para hindi mahirapan ang maliliit na trabahador ng pelikulang Pilipino sa kanilang hanap-buhay.

Ang health card ng members ng NMPP ay bigay naman ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte at malaki rin ang pasasalamat kay mayor ni direk Joel at mga kasama.

* * *

Isa na namang magandang episode ang hatid ng Dear Friend entitled Reena at Gerry at tungkol sa pagtatago ng sikreto sa minamahal.

Problema ni Reena (Isabel Oli) ang kondisyon ni Gerry (Paolo Contis) na tuloy pa rin ang kanilang kasal kahit nalaman nitong ang ipinakikilala niyang bunsong kapatid ay kanyang anak.

Nasa cast din sina Mariz, Evangeline Pascual, Robert Ortega, Francesca Salcedo, Mike Gayoso at Vivo sa direksyon ni Jun Lana. Si Maricris Garcia ang guest singer at host sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. 

BEST FOREIGN FILM

BONG REVILLA

DEAL OR NO DEAL

DEAR FRIEND

EVANGELINE PASCUAL

FAMILY FEUD

FRANCESCA SALCEDO

GERRY

ISABEL OLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with