Robin payag nang ligawan ang mga anak
Wala naman palang dapat ikatakot ang mga binatang magtatangkang manligaw sa mga dalaga ni Robin Padilla.
“Lahat pwedeng manligaw, pero dapat sa bahay. Dapat ding naniniwala sila sa Diyos, kung hindi sa gate pa lamang ay haharangin ko na sila. Gusto ko rin na sinumang manliligaw sa mga anak ko ay nag-aaral. Ayaw ko na ang unang tutulungan ng mga anak ko ay ang manliligaw nila. Gusto kong ang lalaki ang tutulong sa mga anak ko,” sagot ng aktor sa tanong ng press kung pinaliligawan na niya ang mga anak niyang sina Queenie at Kylie.
Si Robin ay abala ngayon sa pelikula niyang Sundo, ang susunod na pelikula ng GMA Films, isang horror film ni direktor Topel Lee na base sa sinaunang paniniwala na ang malapit nang sumakabilang buhay ay sinusundo ng kaluluwa ng kanilang mga kamag-anak.
Bukod kay Robin, nasa cast sina Sunshine Dizon, Katrina Halili, Rhian Ramos, Glydel Mercado, Hero Angeles at Mark Bautista.
Sinabi ni Robin na iba ang Sundo sa unang ginawa niyang suspense-thriller dahil dito ay mayro’n nang mga multo. “Bago kami magsimula ng trabaho ay nagdarasal muna kami,” imporma niya tungkol sa pelikula na sinimulan nila nung buwan pa ng Hulyo. Ibang-iba ang porma niya sa movie, maikling-maikli ang gupit, bagay sa role niyang isang dating myembro ng military na piniling simailalim sa seklusyon matapos makaligtas sa isang trahedya at matuklasang may taglay siyang kakaibang kapangyarihan.
* * *
Hindi naman pala mami-miss ng matagal ng mga televiewers ang magkaparehang Kim Chiu at Gerald Anderson dahil sila ang tampok sa Your Song Presents: My Only Hope na magsisimula sa October 5 sa ABS CBN.
Hango sa pinasikat na kanta ni Mandy Moore, umiikot ang kwento ng pag-ibig at pagkilala sa totoong katauhan ng isang tao. Reinvented ang cast kasi rugged si Gerald, may scar sa mukha si Nina Jose, jologs si Enchong Dee at sexy sina Regine Angeles at Carlo Guevara, pati ang kanilang roles ay mag-iiba rin. Talagang magiging makatotohanan ang programa, mula sa script, acting at itsura ng bagets na sumasalamin sa buhay ng kabataan ngayon. Direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.
Samantala, matapos magbigay-saya sa mga kababayang Pinoy sa America, Japan, Hong Kong, this time, ang mga kababayang Pinoy sa Italy naman ang pasasayahin nina Kim at Gerald.
Kasama si Jed Madela, sa September 28, bida sila sa Smart Pinoy Fiesta Saya Sa Italia na magaganap sa Pala Sharp, Milan, Italy. At sa October 5, nasa Stadio Flaminio, Rome, Italy naman sila kasama sina Jericho Rosales, AiAi delas Alas, Robin Padilla at Edu Manzano.
* * *
Ano kaya ang masasabi ni Jennica Garcia sa sinasabing pagta-topless ng kanyang inang si Jean Garcia sa isang men’s mag? Hindi naman daw makakapagkaila si Jean dahil hindi pa man lumalabas ang naturang mag ay marami nang larawan niya ang naglabasan.
Talaga sigurong hindi na pababayaan ng Showbiz Central na lumamig ang mga isyu nila dahil nahikayat nila si Ogie Alcasid na maglantad ng kanyang nakaraan at kinabukasan sa mas pinatinding “love me, hate me but don’t lie to me” segment ng programang sinasabing Intriga Capital of the Philippines ngayong hapon sa GMA 7.
* * *
Isa ring finalist sa Pinoy Dream Academy Season 1 ang nagpasyang maging isang professional recording artist. Siya si Iya Gines, 23 years old at kababalik lamang mula sa pitong buwang pagkanta sa Guam, sa Club Embassy.
Marami ang nakakatanda kay Iya dahil nung nasa loob siya ng Akademya ay na-link siya hindi lamang kay Ronnie Liang kundi maging kay Jay-R Siaboc pero ang pinaka-crush niya ay si Sam Milby.
“Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kapag kausap ko siya,” sabi nito dati.
Nakasama siya sa Vol. 3 album ng PDA Season 1.
Nakagawa ng isang single sa Guam si Iya at ito ang gusto niyang maging simula ng pagiging recording artist niya sa ’Pinas.
“Yung taong kumuha sa akin para magtrabaho sa Guam ang nag-produce ng album. Nauna na itong lumabas sa Guam. Magtatagal pa sana ako doon for the promotion of the song pero nagkakasakit ako kaya nagpaalam muna ako. Babalik ako doon para kumanta at i-promote ang single,” sabi niya.
- Latest