^

PSN Showbiz

Aktor Kinasuhan Sa Talbog Na Tseke

-

Nahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law ang actor na si Cris Villanueva at ang asawa nito kaug­nay sa panloloko umano sa isang negos­yante ng halagang P250,000.

Isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso sa San Juan City prosecutor’s Office laban kay Cris o Julius Villanueva sa tunay na buhay at sa asawa nitong si Zarin, kap­wa residente ng #8 Wack-Wack, Unit 20-E Man­daluyong City.

Ang kaso ay nag-ugat sa idinulog na reklamo kay NBI-Special Task Force (STF) head Agent Arnel Dalumpines ng complainant na si Edwin Dy Lim, ng142 Sto.Domingo St.,Quezon City.

Sa reklamo ni Lim, noong Abril 2006 ay nagbigay umano siya ng halagang P250,000 sa mag-asawa bilang karagdagang kapital sa pinagsosyohan nilang negosyo.

Pero natuklasan nito na hindi sa negosyo kungdi sa personal umanong pangangailangan ginastos ang kanyang cash investment.

Nang singilin na ni Lim ay binayaran siya ng post dated checks ng mag-asawa subalit tumalbog umano ito nang kanyang i-encash sa bangko. (Ludy Bermudo)

AGENT ARNEL DALUMPINES

BATAS PAMBANSA

BOUNCING CHECKS LAW

CRIS VILLANUEVA

DOMINGO ST.

E MAN

EDWIN DY LIM

JULIUS VILLANUEVA

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with