POPS LIGTAS SA KASO NI GABBY
Inabsuwelto ni Mrs. Rose Flaminiano si Pops Fernandez at hindi raw ito kasali sa mga sulsultant ni Gabby Concepcion. Ito pa raw ang nagsabi sa actor na hindi siya puwedeng kumalas sa manager dahil may kontrata ito sa kanya.
“Wala akong sama ng loob kay Pops, wala akong nahuli na ebidensya na sinisiraan niya ako kay Gabby,” pahayag ni mommy Rose.
Sina Nadia Montenegro at Robby Tarozza ang puntirya ng galit nito, lalo na ang una’t may mga na-forward sa kanyang text messages na nadiskubre niyang galing kay Nadia. May isang text message na sinabi diumano ni Nadia na nakiki-sympathize siya kay Gabby “who is in the wrong hands.”
Sa tanong kung dapat ba niyang kausapin si Nadia, ang sagot ni mommy Rose ay “Hindi ko siya kailangang makita at makausap. Sana kung ang career niya ay tumatayog.”
Willing pakawalan ni mommy Rose si Gabby kung magbabayad ito ng P22 million, ang moral damages na hinihingi niya sa isinampa niyang civil case sa actor. Sinang-ayunan ito ni Atty. Bonifacio Alentajan na open sila for amicable settlement.
‘Hindi kailangang lumuhod at magmakaawa sa akin si Gabby. Makita ko lang na sincere siya sa paghingi ng sorry dahil ang feeling ko, pinagnakawan ko siya ng pera. Tatanggalin ko ang sama ng loob ko sa kanya, puwede ko siyang mapatawad,” pahayag ni mommy Rose.
* * *
Nadagdagan na naman ang endorsement ni Kim Chiu dahil siya ang napiling mag-endorse ng Bioclear, isang herbal food supplement mula sa Herbpharm, Inc. Subok na ni Kim kung gaano ito ka-effective dahil ginagamit niya at ng kanyang pamilya.
Paulit-ulit ang pasasalamat ni Kim sa mga nagtitiwala sa kanya to endorse their products dahil malaking tulong ang natatanggap niyang talent fee para matupad ang plano na ipagpatayo ng bahay sa Cebu ang kanyang mga kapatid. Iniipon niya ang pera dahil gustong bigyan ng bahay ang mga kapatid.
Uunahin ni Kim na bigyan ng bahay ang pamilya sa Cebu dahil mag-isa lang naman siya rito at happy na siya sa inuupahang condo (o bahay?) sa may Quezon City. Saka na siya magpapatayo ng bahay for herself ‘pag tapos na ang bahay for her siblings.
- Latest