Fans ni Rhian biglang nanahimik
Ang galing sumuporta ni Eugene Domingo. Bagaman at mga kilala nang komedyante sina Rufa Mae Quinto at Jolina Magdangal, nagawa niyang palutangin ng husto ang kanilang mga nakatutuwang eksena with her presence. Riot ang mga magkakasamang eksena nilang tatlo. I dare you to watch the film at kung hindi kayo bibirit ng tawa sa mga eksena nila, sabihin n’yong sinungaling ako.
Hindi naman pala totoo na mabo-boo ng fans sina Mark Herras at Rhian Ramos. Behaved ang mga fans nung premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You). Mga palakpakan at sigawan lamang ng paghanga ang narinig mula sa kanila. Did they finally realize na trabaho lamang ang ginagawa ng dalawa? Sana naman.
Actually may chemistry ang dalawa, puwede silang maging loveteam. Pero, ano itong nababalitaan ko na si JC de Vera ang nagbibigay ng bagong excitement kay Rhian at hindi si Mark. So wala nang dapat ipangamba ang mga fans ni Mark na pinupuntirya ni Rhian ang idolo nila.
Going back to Eugene, talaga nga palang nakatutuwa siya. Sana mapanood pa siya sa maraming proyekto ng GMA 7. Magtatapos na kasi ang Kim Sam Soon na kung saan nagpasaya rin siya ng mga manonood.
* * *
Malaking bagay na para kay Sarah Geronimo na malaman na tagahanga pala niya si Lolit Solis. Biruin mo, isang malaking entertainment writer at manager ng maraming malalaking artista, nagawa niyang pahangain.
Sa halip na maging mayabang sa marami niyang tagumpay, patuloy na nananatiling nakatapak sa lupa ang mga paa ni Sarah. Kahit ‘di raw siya manalong box-office queen dahil pitong linggo na sa mga sinehan ang A Very Special Love nila ni John Lloyd Cruz, kontento na siya at solved sa naging tagumpay ng kanilang pelikula.
* * *
Magdi-debut si Rhian Ramos ng walang escort. Ito ang napagpasyahan niya dahil inaabot ng matagal ang pag-iisip niya kung sino ang kukunin niyang escort sa kanyang nalalapit na debut. Simple lamang ang birthday wish niya, gusto niyang maging matagumpay ang lahat ng proyektong ginagawa niya – I.T.A.L.Y., La Lola, Sundo at lahat sa career niya ay maging successful.
Hindi siya excited na maging 18 at puwede nang magkaro’n ng boyfriend dahil katwiran niya, “Wala naman akong time mag-asikaso sa kanya. Gusto ko magkaroon ng time maski para matulog lang. I’ve been working non-stop promoting Italy, finishing my scenes in Codename: Asero, shooting La Lola and Sundo at sa kotse na lang ako natutulog. Another one of my birthday wishes is to buy a bigger car para hindi naman ako namamaluktot kapag natutulog ako.”
- Latest