^

PSN Showbiz

Ara Mina nagluluto at nagwi-waitress

RATED A - Aster Amoyo -

Isa kami sa natutuwa para sa ating mga artista na marunong mag-han­dle ng perang kanilang kinikita sa pamamagitan ng pagi-invest sa iba’t ibang negosyo. 

To name a few, nari­yan sina Aga Muhlach, Jolina Magdangal, Mar­vin Agustin, Diether Ocampo, Gladys Re­yes at Ara Mina na matagal-tagal na ring nagni­negosyo.

Isinarado na ni Ara ang kanyang Italian res­ta­urant na Osteria sa may Tomas Morato, Quezon City pero nag­tayo naman siya ng Café Mina sa may Riverbank sa Marikina. 

Napuntahan na namin ang Café Mina at na-impress kami sa lugar at food. 

In fairness, malakas ang bagong negosyo ni Ara at iniimbitahan na siya ng SM na maglagay ng branch. 

Ang Café Mina ay bukod pa sa kanyang Posh Models na magi-expand na rin sa pago-organize ng events.

Napakasipag ni Ara. Kapag may oras din lamang siya ay tiyak na naroon siya sa Café Mina at siya mismo ang naglu­luto at nagsi-serve sa mga customers.

Sa totoo lang, napa­ka­suwerte ng mapapa­nga­sawa ni Ara dahil bukod sa ito’y masinop sa hanap-buhay, maru­nong pa itong magluto.

Bukod sa Ligaw na Bulaklak, si Ara ay in-demand din sa mga out-of-town shows at maging sa ibang bansa.

* * *

Kahit hiwalay na ang dating live-in partners na Mylene Dizon at Paolo Paraiso, nanatili ang kanilang pagiging close dahil sa kanilang anak. 

Since wala naman silang bagong karelas­yon, nangyari ang hindi inaasahang mangyari, muling nabuntis ni Paolo ang kanyang dating kasintahan at ngayon ay desidido ang model-actor na maging silang muli ng aktres at mauwi na sa kanilang pagpapa­kasal lalo’t magdadalawa na ang kanilang magiging anak.

Sa hinaba-haba ng prusisyon, mukhang sa simbahan din ang tuloy ng relasyong Mylene at Paolo at tiyak na matutuwa ang kanilang panganay na si Tomas.

* * *

E-mail: [email protected]

AGA MUHLACH

ANG CAF

ARA MINA

DIETHER OCAMPO

GLADYS RE

JOLINA MAGDANGAL

MYLENE DIZON

PAOLO PARAISO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with