Buhay ni Dennis nagulo kay Cristine?
Sa tono ng mga pananalita ni Dennis Trillo, tila siya ang nakipag-break kay Cristine Reyes. Pero ayaw niyang magbigay ng detalye kung sino sa kanilang dalawa ang nakipag-break kanino. Itinurong dahilan ni Dennis ang kanyang career na gusto niyang harapin.
Sa totoo lang, na-realize marahil ni Dennis na magmula nang magkaroon sila ng relasyon ni Cristine ay hindi na natahimik ang kanilang mga buhay dahil bukod sa kanila ni Cristine, damay din ang ex-GF ni Dennis na si Carlene Aguilar at maging ang kanilang walang kamuwang-muwang na anak na si Calix.
Kahit hindi palasalita si Dennis pagdating sa kanyang personal na buhay, hindi naman siya makaiwas sa mga kontrobersiya kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang relasyon nila ni Cristine. Ayon sa binatang-ama, nag-usap umano sila nang masinsinan ni Cristine at naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.
Ngayong break na sina Dennis at Cristine, maging masaya naman kaya si Carlene sa nangyari?
* * *
Walang hinto ang Star Magic (dating Talent Center ng ABS-CBN) sa pagtuklas ng mga bagong mukha upang balang araw ay kilalaning malalaking stars. Nung linggo ng gabi ay muling nag-launch ang Star Magic ng kanilang ika-16 batch ng mga promising young stars na kinabibilangan nina Auriette Divina, Chase Rivera, Cheska Ortega, David Nagtalon, Dominique Llamas, Enrique Gil, Erika Padilla, Guji Lorenzana (pamangkin ng singer na si Joanne Lorenzana), Heidi Riego (kaanu-ano kaya ito ni Ate Nene Riego?), Kaye Garcia, Kristel Moreno (na pamangkin ni Alma Moreno), Kristina Snell, Jubail Andres, Justin Gonzalez, Michaela Melania, Nico Ibaviosa, Pica Lozano, Reb Sibal at Vangie Martelle.
Sa 20 bagong build-up young talents ng Star Magic, ilan kaya sa mga ito ang tatanghaling malaking stars balang araw? They all look promising pero natitiyak namin na ilang lamang sa mga ito ang papalaring pumaimbulog sa kasikatan. Depende na rin ‘yon sa magiging plano sa kanila ng Star Magic at kung paano sila kakagatin ng publiko.
* * *
- Latest