Bakit ba LAGING pinag-iinitan si Rhian?
Ngayong nalalapit na ang pagpapalabas ng bagong teleserye ng GMA 7, ang La Lola, sure ako na pag-iinitan na naman ng kanyang mga detractors si Rhian Ramos.
Hindi ko naman alam kung bakit ayaw siyang tantanan ng kanyang mga detractors na hanggang ngayon ay naniniwalang ang kasikatan niya ay dulot ng pagiging kamag-anak niya ng isang ehekutibo ng Siete.
Ipagpalagay na natin na nakatulong nga sa career niya ang kanyang tiyahing si Ida Ramos Henares, eh naipapakita naman ni Rhian na meron siyang talent. Nakakaarte naman siya na tulad nang ipinakita niya sa kanyang mga programa sa TV (Captain Barbel, Lupin, Ouija).
Ginulat din niya ang marami nang patunayan niyang pwede rin siyang host, nang i-host nila ni Karylle ang Pinoy Idol. ’Di bale sana kung bano at TH siya, pinipilit lang pero walang talento pero, hindi naman ’di ba? So, why don’t we give her a chance? Bakit gusto natin siyang masira? Pinatutunayan naman niyang nagiging malaking asset siya ng industriya. Sarahan ba natin siya ng pinto dahil lamang pamangkin siya ng isang GMA executive? Come on, let’s be fair!
* * *
Nagsimula na pala kahapon ang The 1st Quezon City Independent Film Festival (QCFF) na magpapakita ng talento ng mga kabataang filmmakers ng lungsod.
Nagkaroon ng isang opening ceremonies nung Miyerkules, September 10, sa Cinema 4 ng Gateway Cineplex. Gumupit ng ceremonial ribbon sina Senador Jinggoy Estrada, Mayor Sonny Belmonte at Vice Mayor Herbert Bautista.
Mapapanood ang mga trabaho ng mga young filmmakers mula Setyembre 11-16 sa Gateway Cinema Complex 4. Mabibili ang mga tiket sa halagang P80 sa Cineplex ticket booth. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://qcfdc.multiply.com.
Binabati ko nga pala ang mga opisyales ng QC sa kanilang pagtataguyod ng kauna-unahang QC indie filmfest dahil hindi lamang ang lungsod ang makikinabang dito kundi lalo na yung mga kabataang filmmakers.
* * *
Welcome back kay Jericho Rosales sa kanyang pagbabalik-acting. Okay na yung kumanta siya at mag-record pero ’di niya dapat kalimutan ang kanyang pag-aartista dahil dito siya unang nakilala at maituturing siyang isang batang henyo sa pag-arte.
Magandang break din para sa kanya yung maipareha siya sa isang Malaysian, sa isang Carmen Soo na balita ko ay sikat din sa kanyang bansa. Acting and singing at the same time will help make Echo forget the pain of a recent love. Mas madali siyang makakalimot kung pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang trabaho ngayon. Excited na ang mga bruha kong sekretarya sa bago niyang teleserye na pinamagatang Kahit Isang Saglit.
- Latest