Cristine Nai-Inspire Kay Jericho
Kaswal-kaswalan ang magiging debut ni Rhian Ramos. Kung yung ibang debutante ay sa mga five star hotel at mga bonggang gown ang sinusuot, si Rhian simple lang. Sa controversial bar sa Taguig, Embassy, gaganapin ang kanyang party sa October 2, dahil October 3 ang actual birthday niya eh trip niyang salubungin ang kanyang birthday sa party kaya one day ahead ang selebrasyon.
Isasara ang Embassy. “Para mas madaling puntahan. Alam na yun ng mga kaibigan ko,” sabi ni Rhian. Meron din siyang the usual 18 roses and 18 candles. Yun nga lang, hindi kailangang magpormal-pormalan ang mga bisita.
Kasama sa 18 roses sina JC de Vera, Mark Herras, Richard Gutierrez, Richard Gomez, Dom Rocco, Direk Topel Lee, Direk Mark Reyes. Kasama sana sa listahan si Robin Padilla na kasama niya sa pelikulang Sundo pero nang tanungin daw nito ang petsa ng party, hindi raw pala puwede dahil nasa Australia pa ang aktor.
Sa candles, kasama sina Iza Calzado, Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto at si Judy Ann Santos, pero hindi pa raw niya ito natatawagan.
Wala rin sa listahan ng mga guest si Phillip Gozon, ang anak ng may-ari ng GMA 7 na si Mr. Felipe Gozon na na-link sa kanya at nagkalat pa nga sa internet ang mga photos nila. Nasa Amerika na pala ang nasabing anak ni Mr. Gozon kaya wala nang chance na ma-link pa sila.
Ay nga pala, invited naman si Rayver Cruz na balitang nanliligaw sa kanya. Pero hindi ito kasama sa 18 roses.
Para maiba, ayaw niya rin ng may escort. Baka raw kasi pag nag-escort pa siya, magtampo pa yung iba, sabay tawa ni Rhian na ewan ko ba naman kung bakit sobrang aktibo ang mga fans sa paggamit ng internet.
Anyway ang tatay niyang British ang last dance niya dahil darating ito sa bansa.
Heto, sa dinami-dami nang na-link sa kanya, wala pa palang nagiging boyfriend ang young actress. Korek, wala pa siyang naka-relasyon. Samantalang ang impresyon sa kanya, ang landi-landi niya dahil ang dami yatang fans na galit sa kanya.
Pero hindi affected si Rhian dahil hindi nga naman siya guilty.
Next month, magsisimula nang ipalabas ang La Lola, ang kanyang solo project sa GMA 7. Kasama niya si JC de Vera at isang sorpresang aktor.
One season tatakbo ang La Lola.
* * *
Bawal tanungin si Cristine Reyes tungkol kay Dennis Trillo nang sabay silang magpa-interview ng Malaysian actress na si Carmen Soo para sa Kahit Isang Saglit kahapon. Hindi ko lang alam kung after ng presscon ay nagsalita siya tungkol sa kanyang ex-dyowa.
Uy nga pala, itinanggi ni Cristine na may pagnanasa siya kay Jericho Rosales na kasama nila sa Kahit Isang Saglit. “Humahanga lang ako kay Echo. Nakaka-inspire siya. Lahat ng eksena dapat may motivation. Hindi ko sinasabing tipo ko siyang maging boyfriend. Nagagalingan lang ako sa kanya.”
Si Carmen Soo naman, na-culture shocked sa entertainment industry sa bansa. As in nanibago raw siya sa sistema sa bansa dahil inaabot nga naman sila ng madaling araw sa taping. Kaya kung meron man siyang isang gustong gawin, yun ay ang matulog.
Gusto rin niyang makausap kung meron siyang ‘kahit isang saglit’ ang namayapa nilang direktor na si Direk Gilbert Perez na inatake sa puso bago pa man natapos ang taping nila para magpasalamat at mamaalam.(SALVE V. ASIS)
- Latest