Carlene natuwa sa break up nina Dennis at Cristine
Malapit nang magsimula sa ere ang Gagambino, ang bagong TV series na pagbibidahan ni Dennis Trillo kung saan niya makakapareha sina Katrina Halili at Nadine Samonte.
Speaking of Dennis, hindi nito ikinakaila na break na sila ng kanyang kasintahang si Cristine Reyes.
Marami kasi ang nagsasabi na nagkakahilaan silang pababa nung sila pa ni Cristine.
Marami ang natuwa nang mag-break ang dalawa dahil hindi naman sila nagkakatulungan.
Isa kaya si Carlene Aguilar sa mga natuwa sa break-up nina Dennis at Cristine?
* * *
Mahigit 20 years ang agwat ng edad nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo pero hindi kailanman naging isyu ito sa kanilang dalawa.
Marami ang hindi pabor sa kanilang relasyon pero wala silang pakialam dahil silang dalawa naman ang nagkakaintindihan at nagmamahalan.
Just like any other couple, hindi rin nawawala ang tampuhan sa relasyon nina Hayden at Vicki na nauwi pa nga sa maiksing break-up.
Hindi pala natiis ni Hayden si Vicki at siya na rin mismo ang tumawag para sila’y muling magkabalikan.
Walang alinlangan na ang naging tulay ni Hayden para siya’y makilala ng publiko at ma-tap ang kanyang hidden talent sa pagkanta at pag-arte liban sa kanyang pagiging isang manggagamot.
Hindi naman puwedeng akusahan si Hayden na pera lamang ang habol nito kay Vicki dahil doctor at may kaya rin naman ang pamilya niya.
* * *
Naoperahan ang singer-actress at dating member ng That’s Entertainment na si Isabel Granada ng myoma kamakailan lang sa isang pagamutan sa Pampanga. Bukod sa myoma, tinanggal na rin ng mga doctor ang kanyang appendix at maging ang cyst sa kanyang left ovary.
Ayon kay Isabel, in a month’s time ay kaya na rin daw niyang muling magtrabaho.
* * *
Alam ba ninyo na pitong taon ang hinintay ng mag-asawang Sen. Chiz at Christine Escudero bago sila nagkaanak?
Nang magkaanak naman, kambal kaagad ang ibinigay sa kanila ng Diyos kaya naman tuwang-tuwa ang mag-asawa.
Malayo pa man ang election, lumulutang na ang pangalan ni Sen. Chiz bilang isa sa mga presidentiables ganoon din si Sen. Loren Legarda.
Since magkasama sina Sen. Loren at Sen. Chiz sa isang partido, bakit hindi na lamang sila ang mag-tandem? Si Sen. Loren sa pagkapangulo at si Sen. Chiz naman sa pagka-bise. Magandang kumbinasyon, ’di ba Salve?
* * *
Personal: Belated happy fiesta sa Borongan City, Eastern Samar (September 8), ang aming mahal na hometown ni Boy Abunda. Fiesta rin sa araw na ito sa Las Navas, Samar na siya namang hometown ni Ricky Lo. Ang September 8 ay kaarawan ng ating Mahal na Ina, si Birheng Maria.
* * *
- Latest