'Di Ko Nalilimutan Ang GMA' - R i c h a r d
Sa launching ng promo ng Emperador na kanyang ini-endorse with his dad and siblings, nilinaw ni Richard Gutierrez ang isyung paglipat niya sa ABS-CBN ‘pag natapos ang kontrata niya sa GMA 7 dahil sa nangyari sa inang si Annabelle Rama at SVP for TV Entertainment na si Wilma Galvante.
“Mga balita lang ‘yun, pero hindi totoo. Am just very happy na tinanggap akong guest ng ABS-CBN at dream come true sa akin ‘yun, pero siyempre, hindi ko nakalilimutan ang home network ko. Ang sarap nga ng feeling na nag-unite ang two networks kahit sandali lang at kami ni KC (Concepcion) ang bridge.”
Ipinarating namin kay Richard na may mga Kapuso viewers ang nalungkot sa posibilidad na lilipat siya sa ABS-CBN at heto ang kanyang sagot: “May mga na-confuse because I was guesting in ABS and they’re not used seeing me in Ch. 2, pero agreement lang ‘yun for the promotion of For The First Time.”
Para payapain ang fans niyang naguguluhan, ibinalita ni Richard na pag-uusapan na ang next project niya sa Ch. 7 kahit up to November pa ang Codename: Asero. Excited siya pareho sa two projects na ibinigay sa kanya at mamimili siya nang gustong gawin.
“By December, magsu-shoot na rin kami ni KC ng When I Met You ng GMA Films and I’m sure, ABS will do their part and help us sa promo ng Valentine movie. May balitang tatapatan kami ng movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, pero hindi naman pala tapat, magkakasunod lang ang playdate,” pahayag ni Richard.
May dalawa pang kasunod na endorsement si Richard at isa rito’y pagsasamahan nila ni Anne Curtis.
* * *
Birthday ni Rita Avila sa September 20, at birthday gift at double treat pa ni Lord sa kanya ang launching ng kanyang librong 8 Ways to Comfort with Grace at ang pagkakasama ng composition niyang Hanggang Dito Na Lang sa CD ni OJ Mariano.
Ilo-launch ang libro ni Rita sa September 16, sa The 29th Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa MOA at publish ng St. Paul’s Publishing. May 92 pages ang libro na mabibili for P125.00. Sila ng anak niyang si Elia Jesu ang cover ng libro, ang anak na three weeks lang nabuhay dahil sa heart ailment at pumanaw after operahan sa The Medical City. He was born November 10, 2006 and died December 2, 2006.
* * *
Maraming matututunan ang bagong mag-asawa sa episode today ng Moms na Mistakes Newlyweds Make. Paano nga ba haharapin ang mga problemang darating sa mga bagong kasal? Magsi-share ng marriage blues sina Isabel Granada/Geryk Genasky at Jan Marini Alano/Gerard Pizarras.
Napapanood ito sa Q-11, 5:00 pm, Monday to Friday with Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes as hosts.
- Latest