^

PSN Showbiz

DJ Mo 'di dapat maimbyerna kay Bunny

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Isa lang ang sasabihin ko kay DJ Mo Twister kapag nagkita kami, huwag na siyang magalit o maimbyerna kay Bunny Paras dahil nagpain­terbyu ito sa mga talk shows tungkol sa sakit ng kanilang anak na si Moira.

Nagpainterbyu si Bunny para i-correct ang maling balita na may brain cancer ang bagets. Kung may dapat kausapin si Mo, ito ay si Brian Gorrell, ang Australian na co-host niya sa kanyang radio program sa Magic 89.9.

Si Brian ang unang naglabas sa kanyang Internet blog na may brain cancer ang bagets. Detalyado ang kuwento ni Brian at marami ang nakabasa nito, hanggang malaman ng mga showbiz reporter.

Kung hindi isinulat ’yon ni Brian, hindi magsasalita sa TV si Bunny. At dahil sa pagpapainterbyu ni Bunny, naging malinaw na Miller Fisher at hindi brain cancer ang sakit ng bagets.

Sa totoo lang, mabuti na rin na lumabas ang katotohanan dahil lalong dumami ang bilang ng mga nagdarasal para sa mabilis na paggaling ng anak nina Mo at Bunny.

Bumilib ako kay Mo dahil hindi siya nagpanggap na close sila ng kanyang anak, porke malayo nga sila sa isa’t isa at hindi siya kasama ng bagets habang lumalaki ito.

Natawa nga ako sa correction please ni Mo na hindi niya asawa si Bunny dahil hindi sila kasal as in boyfriend-girlfriend ang kanilang relasyon noon.

* * *

Hinangaan din si Cristine Reyes nang mag-guest ito sa The Buzz noong Sunday dahil hindi siya nagsalita tungkol sa break-up nila ni Dennis Trillo.

Umapir si Cristine sa The Buzz pero nag-promote lang siya ng bagong TV show niya sa Kapamilya network.

Kung ibang artista ang nasa puwesto ni Cristine, tiyak na isasali nila sa promo ang kanilang personal life para mapag-usapan.

Ang maganda kay Cristine, dinedma niya ang break-up issue kaya natuwa sa kanya ang mga televiewers. Pinatunayan niya na hindi siya gimikera at mas importante ang kanyang privacy.

* * *

Bati na sina Jobert Sucaldito at Gabby Concepcion. Kung hindi ko pa napanood ang The Buzz noong Linggo, hindi ko malalaman na nagkasundo na sina Gabby at Jobert.

Mismong si Jobert ang nag-announce sa TV na the end na ang problema nila ni Gabby. Ang tanong, kumusta na ang kaso na isinampa niya laban kay Gabby ngayong bati na sila at mukhang magkaibigan na uli?

* * *

Hindi talaga maawat ang pag-arangkada ni Alessandra de Rossi dahil siya ang bida sa Love Books: No Boyfriend Since Birth.

Mula sa mga titulo ng Summit Books, gaganap si Alessandra bilang si Rudie, isang marketing executive na never pa na nagkaroon ng boyfriend o dyowa.

Hindi ma-gets ni Rudie kung bakit hanggang ngayon eh single pa rin siya, at parang walang nagkaka-interes sa kanyang beauty.

Lahat naman ng kaibigan niya eh nagsasabi na maganda siya at ang kanyang boss ay alam na matalino siya.

May mga kaibigang lalaki si Rudie na cool ang tingin sa kanya. Formula for a great girlfriend na ’di ba? Pero hindi.

Kaya itong si Rudie, gagawin ang lahat para makahanap ng ‘The One.’ Nag-dating spree at nagpapaka-liberal na sabihin sa mga boys na i-date siya.

Bongga ang kasama ni Alessandra sa bagong episode ng Love Books. Sina Jomari Yllana, Joross Gamboa, Precious Adona, Bruce Quebral at Anita Linda. Apat na linggo na mapapanood sa TV 5 ang No Boyfriend Since Birth at mag-uumpisa ito mamayang gabi, 7 to 8 p.m.

ALESSANDRA

ANITA LINDA

BRIAN GORRELL

BRUCE QUEBRAL

CRISTINE

LOVE BOOKS

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

RUDIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with