Katrina Halili maraming 'di alam; Anak ni Dj Mo may Miller Fisher
Nainterbyu ng Startalk ang dating aktres na si Bunny Paras at nilinaw nito na Miller Fisher at hindi brain cancer ang sakit ni Moira, ang 9-year old lovechild nila ni DJ Mo.
May cyst daw sa utak ang bagets pero Miller Fisher ang tawag sa kanyang sakit. Poor eye sight, loss of balance, paralysis at panghihina ng kalamnan ang mga symptom ng sakit ni Moira.
Nagpasalamat si Bunny sa mga nagpakita ng concern at nagdarasal sa paggaling ng kanyang anak.
Okey na rin daw ang relasyon nila ni DJ Mo dahil tuwing bakasyon, ang nanay ni Mo ang kasama ng bagets dahil very close ang dalawa.
Ang sey ni Bunny, magiging devastated siya kung true na brain cancer ang karamdaman ng anak nila ni Mo.
Dapat i-correct ni Brian Gorell ang balita na ikinalat nito sa Internet na brain cancer ang sakit ng anak nina DJ Mo at Bunny para sa kapakanan ng mga nagbabasa ng mga isinusulat niya.
* * *
Walang alam si Katrina Halili sa mga nangyayari sa showbiz dahil pumunta siya sa Amerika para sa series of shows.
Hindi alam ni Katrina na namatay ang adoptive father ni Jennylyn Mercado. Hindi niya alam kung sino na ang co-stars niya sa One Night Only ng OctoArts Films at lalong hindi pa alam ni Katrina ang kanyang role sa Gagambino.
Maraming hindi alam si Katrina dahil may jetlag pa siya. Kayo na ang matagal na mawala sa ating bayang magiliw.
* * *
May special participation pala si Bebong Muñoz sa I.T.A.L.Y. kaya tumutulong din siya sa promo ng pelikula ng kanyang girlfriend na si Jolina Magdangal.
Ayaw i-reveal ni Bebong ang role niya sa I.T.A.L.Y. dahil surprise nga ito. Hindi lang si Bebong ang may surprise appearance sa pelikula. May guest appearance din ang dating ka-loveteam ni Jolina na si Marvin Agustin pero inililihim din ang kanyang role. Watch n’yo na lang ang pelikula para malaman ninyo ang mga papel na ginampanan nina Marvin at Bebong sa I.T.A.L.Y.
* * *
Hindi lang umitim si Paolo Bediones. Pumayat din siya sa isa at kalahating buwan na pamamalagi niya sa Southern Thailand para sa shooting ng Survivor Philippines.
Nagkita kami kahapon ni Paolo sa studio ng Startalk at dito niya ikinuwento na dusa pero masaya ang shooting ng Survivor Philippines.
Ipinagmalaki ni Paolo na pinakamahal na reality show sa TV ang Survivor Philippines dahil ginastusan ito ng milyun-milyong piso ng GMA 7.
* * *
Cry nang cry ang singer na si Mocha nang umapir ito kahapon sa Startalk. Naloka si Mocha dahil kumalat ang litrato habang nakikipag-kissing scene siya sa isang miyembro ng kanilang all-female group.
Cry si Mocha dahil private photo daw ‘yun kaya hindi dapat inilabas. Kumukunsulta na raw sa abogado ang kanilang manager para sa aksyon na gagawin nila laban sa naglabas ng kanilang mga litrato.
Sad ang all-female group dahil nagpunta na nga raw sila sa private pool, nakunan pa sila ng mga litrato na nakakaloka ang kanilang mga aksyon.
- Latest