^

PSN Showbiz

Albert namayat!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakausap namin ang Malaysian actress na si Carmen Soo na leading lady ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit.

Nag-enjoy daw siya habang ginagawa ang teleserye kung saan pinuri nina Christopher de Leon at Albert Martinez bukod pa kay Echo si Carmen.

“Hindi ako nahirapan sa pakikipag-communicate sa kanilang lahat dahil magagaling sila sa Ingles. I gained weight because I love Filipino dishes especially adobo and kare-kare. I have gone to Banaue and I love the place,” aniya.

Tinanong din namin kung posible ba siyang ma-in love sa isang guy kahit magkaiba ang kanilang kultura?

“Yes, of course! Even if you belong to the same culture you have to make the necessary adjustment,” dagdag pa nito.

Bukod kay Echo hinahangaan din niya si John Lloyd Cruz dahil nagagalingan din siya ditong umarte.

* * *

Payat ngayon si Albert Martinez at hapis ang mukha dahil sa dumating na pagsubok sa buhay pero hanga kami sa pagiging propesyonal nito dahil dumating din sa presscon.

Sinabi nito na hindi sila nahirapan habang nagti-taping sa Malaysia at hindi yung patakbu-takbo na parang nagtatago, kaya nag­pa­pasalamat sila sa Malaysian production.

“Hanga rin ako kay Echo dahil pinagaan niya ang aming trabaho dahil hindi na namin kailangang pumila kapag kinukuha ang passport. Ibinibigay na lang ito sa amin dahil sikat na sikat pala si Jericho sa Malaysia,” sey nito.

Nagtagal ng halos mahigit isang buwan sa Malaysia si Albert unlike Christopher de Leon na tumigil lang do’n ng isang linggo.

Mapapanood ang Kahit Isang Saglit ngayong Setyembre sa ABS-CBN Primetime Bida.

* * *

Ang galing talaga ng tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo kaya aliw na aliw kami habang pinapanood ang tatlong naunang episode ng I Love Betty La Fea. Ang galing-galing ni Bea at may timing sa pagpapatawa. Siya si Beatrice “Betty” Pengson na gaganap bilang sekretarya sa advertising agency ng Eco Moda Manila kung saan presidente naman si John Lloyd.

Mapapanood na ito simula bukas, Lunes, mula sa direksyon nina Erick Salud at Don Cuaresma.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

BANAUE AND I

BEA ALONZO

CARMEN SOO

DAHIL

DON CUARESMA

ECO MODA MANILA

ERICK SALUD

JOHN LLOYD

KAHIT ISANG SAGLIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with