^

PSN Showbiz

Chef JL nag-resign sa show dahil sa vetsin?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Talo ni Phil Younghusband ang co-contenders niya sa Celebrity Duets 2 pagdating sa publicity. Mula Saturday, sa pilot ng show at hanggang Sunday, la­man siya ng mga major broadsheets. Heto pa, cover siya ng Sunday magazine ng isa sa major broad­sheets  at laging nababanggit ang pagsali sa Celebrity Duets.

Pero kung kontrobersya ang pag-uusapan, lala­ban sa kanya si JL Cang. Nag-react ang mga taga-Ka Toque  ng Q-11 sa sinabi nitong kaya siya nag-re­sign sa cooking show ng istasyon dahil hindi siya naniniwala sa paggamit ng MSG o Monosodium Glutamate (vetsin) sa pagkain.

Worried ang Q-11 na baka magalit ang Ajinomoto na major sponsor ng show at baka mag-pull out. From day one, alam daw ni chef JL na sponsor nila ang Ajino­moto, pero bakit hindi agad siya nag-resign?

Tinanggal daw talaga sa show si JL dahil ma­tigas ang ulo at hindi sinusunod ang tamang bang­git sa kanilang sponsors. Nakasulat kung paano pasasa­la­ma­tan ang sponsors ng show, pero hindi nito nasasabi ng tama.

Para hindi na lang sila pare-parehong mam­rob­lema, inalis na lang si JL sa Ka Toque at kaya nadi­dismaya ang staff ng show dahil iba ang sinabi nitong dahilan ng kanyang pag-alis. Paano kaya sasagutin ni JL ang isyung ito?

* * *

Hindi pa man tapos ang Dyesebel, may bagong show na si Jean Garcia at magkasama pa sila ni Polo Ravales sa Gagambino. Aba’y hindi na nga sila maghihiwalay niyan at hindi rin mapapagod kahit magdamagan ang taping, basta’t magkasama sila.

Gagampanan ni Jean ang role ni Abresia, main contravida at may super power. Si Harold naman si Polo, friend ni Bino (Dennis Trillo) at may power din. Kung ano’ng power nila at ng ibang cast, saka na raw natin malalaman. Sa September 1, ang first day taping ng cast sa direksyon ni Topel Lee.

Nasa cast din ng Gagambino si Jennica Garcia, anak ni Jean at ang ka-loveteam nitong si Mart Escudero. Sina Katrina Halili at Nadine Samonte ang leading ladies ni Dennis at join din sina Isabel Oli, Glaiza de Castro at marami pang iba.  

Una nang nagkasama sa La Vendetta  sina Jean at Polo at sa nasabing teleserye sila nagka-debelopan. Sa nasabing serye rin unang nahalikan ng actor ang girlfriend at ibinuking pang sobrang nanginig nang kanyang halikan. Pero sa Loving You, hindi na kinakitaan ng nerbyos si Jean sa kissing scene, love scene at shower scene nila ni Polo.

* * *

Biglang nawala sa eksena sa SOP last Sunday si Karylle nang pumasok na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa opening number lang namin napanood ang dalaga at ’di na muling lumabas.

Hosts ng buong show sina Marian at Dingdong at off nga naman kung eeksena pa siya, eh, pino-promote ng dalawa ang loveteam nila, ang Dyesebel at Let’s Celebrate! Birthday Blowout  nila na bukas na magaganap sa Araneta Coliseum.

Ito ang sinasabi ni Dingdong na kaya mahal na mahal niya ang girlfriend dahil very understanding at supportive nito. Alam ni Karylle na hindi magu­gustuhan ng mga fans nina Dingdong at Marian kung eeksena siya, kaya siya na lang ang lumalayo.

Sabagay, next Sunday ay si Karylle naman ang eeksena sa promotion ng West Side Story  nila ni Christian Bautista. Marami silang kissing scenes ng singer-actor na siguro naman, maiintindihan din ni Dingdong.

Samantala, guests sa birthday special concert nina Marian at Dingdong sina Ogie Alcasid, Sun­shine Dizon, Iza Calzado, Paolo Contis, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Bianca King, Iwa Moto, Mark Anthony Fernandez, Jay Durias, Jay-R, Tan­ya Garcia, Regine Tolentino, Rochelle Pa­ngilinan, Dr. Hayden Kho, Jr., at Regine Velasquez.

Libre ito, pero ang walang tiket, hindi maka­kapasok. Ipalalabas din ito sa August 31, sa Sunday Night Box-Office time slot.

 

vuukle comment

CELEBRITY DUETS

KA TOQUE

KARYLLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with