Gretchen madaling i-package
Surprisingly, wala akong narinig na mga negatibong komento sa nanalong si Gretchen Espina bilang kauna-unahang Pinoy Idol. Sure akong nakita rin nila yung nakita ng maraming manonood ng TV na malaking transpormasyon ng dalagang mula sa Biliran sa pagiging isang trying hard na singer hanggang sa isang mahusay na performer.
Simple lamang siya nung finals, walang ka-effort-effort at hindi kinakitaan ng nerbyos na ’di tulad noong mga nakaraan bago ang kumpetisyon.
Pati nga si Vero (Ms. Samio) who was rooting for Penelope and Mae ay napapabilib niya. Galit na galit ito nang ma-eliminate ang dalawa at nagsabing pawang hindi magagaling ang natira sa contest. Pero nung gabi nang finals, sabi niya the best among the three si Gretchen.
Kitang-kita na kasi ang pananalo nito, na bagama’t tinanggap na ng marami na mananalo siya sa mga text votes pa lamang, sinabayan pa rin ito ni Gretchen ng isang magandang performance. Napansin lamang ng mga bruha kong sekretarya na mas maganda ang white gown ni Jayann Bautista sa white gown ni Gretchen. Pero, doon lamang siya tinalo ng maganda at mahusay na Pampagueña. Sa face-off nila, namayani si Gretchen.
Nang tanungin si Ogie Alcasid tungkol sa naging kaganapan sa finals ng Pinoy Idol, sinabi nitong “Gretchen deserves to win, mahusay siya nung finals and she’s willing to learn. Kailangan lamang hubugin siya but, she’s the easiest to package,” balak nitong iprodyus ng concert ang natalong si Kid Camaya.
* * *
Totoo rin ang sabi ni Vero na mas exciting ang mga contestants sa Celebrity Duets 2. Napanood ko sila sa kanilang unang pagtatanghal at napabilib nila ako, makakaasa ang mga manonood ng isang masaya at makulay na paligsahan.
Si Chairman Bayani Fernando, talagang palaban. Kung sabagay, among the contestants, siya lamang ang nakapag-concert na, at may boses talaga. Bilib ako na inamin niya na ang pagsali niya sa contest ay isang paghahanda para sa paglahok niya sa pulitika sa 2010. Gagawin niya ang lahat ng paraan para maging champion although sigurado akong bibigyan siya ng mahirap na laban ng kanyang mga co-celebrities.
* * *
Sinabi ni Ruffa Gutierrez na never siyang mapo-fall (in love) kay John Lloyd Cruz na kasama niya sa seryeng Betty La Fea. Katwiran niya ay kaibigan niya ang girlfriend nitong si Liz.
Sinabi ni Ruffa na like niya ang ginawang pagwi-welcome ng ABS-CBN sa kapatid niyang si Richard.
“Kahit Kapuso siya ay itinuturing nila siyang isang Kapamilya. Kaya proud ako sa kinaaniban kong network,” sabi niya.
- Latest