^

PSN Showbiz

Anak ni Gary V. bagong dyowa ni Pauleen Luna

-

Walang kupas ang galing ng ating ipinag­ma­mala­king si Lea Salonga sa kanyang pinaka­ba­gong musical na pinag­bibidahan - ang Cinde­rella na kasalukuyang itina­tanghal sa CCP Tang­halang Nicanor Abelardo sa Roxas Blvd.

Punung-puno ang tanghalan kahit na ordinaryong araw at may pasok kinabukasan.

Nakakamangha ang bilis sa pagpalit ng damit na pang-kasambahay ni Lea sa isang magandang ball gown, pati ng kanyang wigs na tila parang magic talaga. Standout talaga si Lea sa mga kasama niya sa stage na lahat foreigners. Bukod kay Lea ay dalawa lang yata ang Pinoy na kasama sa cast. Isang babae at isang lalaki na medyo mahaba ang buhok.

Sa huli’y binigyan ng standing ovation si Lea sa kanyang perfor­mance.

Nagulat kami nang paglabas namin sa gilid na pinto ay nakatayo ang ina ni Lea na si Mommy Ligaya na nakangiti at mukhang pinagma­mas­dan ang reaksyon ng mga nanood.

Bago natapos ang pagtatanghal ng Cinderella kahapon, Sunday, ay nakarating sa amin pinanood ni President Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang kanyang pamilya ang international star at Tony Awardee na si Lea noong Sabado ng gabi.

* * *

May nakapagchika sa amin na mukhang ine-enjoy ni Pauleen Luna ang pagiging single na okey lang naman ngayong matagal-tagal na nga silang hiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

Medyo madalas raw makita sa kontrobersyal na Embassy Bar sa The Fort sa Taguig City ang magandang dalaga kasama ang kanyang kapatid at mga kaibigan nila.

Kasama rin daw minsan nina Pauleen ang kanyang best friend na young actress din na si Carla Humphries at maging si Regine Tolentino.

Nagulat lang ang nagchika sa amin sa closeness at sweetness daw ni Pauleen at ng kapwa niya celebrity na nakasama niya sa nasabing bar sa anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gabb Valenciano.

Tuluyan na kayang naka-move on si Pauleen? Well, mukhang bagay naman sila ni Gabb. — Francis Simeon 

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN

CARLA HUMPHRIES

EMBASSY BAR

FRANCIS SIMEON

GABB VALENCIANO

PAULEEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with