^

PSN Showbiz

Nandaya kasi ng producer, singer tsugi sa mga show sa abroad

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Ang mga Pinoy ay hindi bumibitiw sa unang impresyon. Masyadong markado para sa atin ang unang pagkakita, unang impresyon, unang pagsilip sa ugali at kung ano-ano pang una tungkol sa isang tao.

Sa unang impresyon nalaglag ang isang female singer nung magpunta siya sa isang bansa. May kaguluhan ang kanyang personal na buhay noon, prob­lemado siya at tao lang siyang naaapektuhan ng mga usaping may kinalaman sa puso, kaya hindi niya yun naihiwalay sa kanyang propesyon.

Nung magpunta siya sa isang malamig na bansa ay maraming may gustong magpa-picture taking sa kanya, pero palagi siyang nakasimangot, maraming kababayan natin ang nagalit sa kanya.

Nung gabi na ng performance ay may ipinangako ang prodyuser ng show na photo opportunity, umasa naman ang ating mga kababayan dun, pero pagka­tapos ng show ay nalaman na lang nilang bumalik na pala sa hotel ang female singer.

Sa isip ng ating mga kababayan ay dinaya sila ng prodyuser, pero ano naman ang magagawa nito, kung ang mismong may katawan naman ang ayaw nang magbigay ng panahon para mapagbigyan ang hiling ng mga nanood ng kanyang show?

Heto na ngayon. Nung buuin ang casting ng isang show para sa nasabing bansa ay kumalat agad yun sa komunidad ng mga Pinoy, naloka ang prodyuser dahil ayon sa ating mga kababayan ay bibili lang sila ng ticket kung wala ang female performer na nagmaldita sa kanila nung unang pagdalaw sa kanilang lugar, malinaw yun.

Negosyante ang prodyuser, alangan namang pumasok ito sa isang proyektong ikalulugi lang naman nito, kaya kinailangang tanggalin sa listahan ang female performer para lang kumita ang show.

Ayon sa aming source, “Tinanong ni ____(pangalan ng female singer) yung producer kung bakit tinanggal ang pangalan niya sa line-up, walang masabing katwiran ang producer, kaya nagalit pa siya.

“Nung hindi na nakapagpigil pa ang producer, sinabi na niya sa singer kung ano ang totoong dahilan. Diretso niyang sinabi na ayaw sa kanya ng mga kababayan natin. Sinabi niya sa singer na kung nandun ang kanyang pangalan, walang manonood ng show.

“Naloka ang female singer, hindi raw naman siya nagmaldita noon, apektado lang daw siya ng paghihiwalay nila ng kanyang mister na singer din, kaya madali siyang maburyong.

“Pero wala na siyang magagawa, pinalitan na siya ng isang female singer na bukod sa magaling nang mag-perform ay magiliw pa sa ating mga kababayan sa kanyang mga pinupuntahan, tanggal na siya sa listahan,” impormasyon pa ng aming source.

Kaya kailangang marunong maghiwalay ng personal sa propesyonal na aspeto ang mga artista, kailangang iwanan nila sa hotel ang mga problema nilang personal, para hindi naaapektuhan ang kanilang career.

* * *

Gusto lang naming ibahagi sa aming mga mambabasa kung ano ang naging reaksiyon ng studio audience ng The Buzz nung ipalabas ang teaser ng Betty La Fea nung Linggo nang hapon.

Yun ang teaser kung saan ipinakikita si Bea Alonzo bilang Betty La Fea na lumalakad nang mabilis papunta sa opisina ng kanyang magiging boss.

Nakalagay sa pintuan ng opisina, Armando Solis-president. “Sir,” sabi ni Bea. Nung umikot ang silya ay lumantad ang nakatalikod na lalaki, si John Lloyd Cruz, siya ang gaganap bilang si Armando Solis.

Grabe ang tilian sa loob ng studio nang humarap na si JLC, iba-iba ang interprestasyon namin sa malalakas na sigaw, napasigaw sila dahil balik-tambalan na naman sina Bea at John Lloyd at napasigaw sila dahil napakaguwapo ng magaling na aktor sa teaser na yun.

Matatag na talaga ang tambalan nina Bea at JLC, sila pa rin ang hinahanap ng publiko, pero napakasuwerte ni John Lloyd dahil matinding suporta ang ibinigay sa kanya ng ating mga kababayan sa katatapos lang nilang pelikula ni Sarah Geronimo na pinipilahan pa rin sa kanyang ikatlong linggo ng pagpapalabas.

Isa na si JLC ngayon sa pinakaimportanteng aktor ng ABS-CBN.

vuukle comment

ARMANDO SOLIS

BEA

BETTY LA FEA

JOHN LLOYD

NUNG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with