^

PSN Showbiz

John Lloyd binalikan na si Bea

-

Matapos ang mga debate at ispekulasyon kung sino talaga ang gaganap bilang ang lalaking mama­halin ni Betty La Fea, noong nakaraang linggo ay opisyal nang ina-announce si John Lloyd Cruz bilang si Armando Solis.

Ngayong kilala na ang magiging boss at love interest ni Betty, hindi na bago sa mga tao kung sino si John Lloyd bilang isang aktor. Naipakita ni John Lloyd ang kanyang angking galing at talento sa pag-arte nang magsimula ito mahigit isang dekada na ang nakaraan. Lumabas sa iba’t ibang commercials, TV appearances at segments at nagbida na sa mga pelikula at teleserye. Nagwagi na rin siya ng iba’t ibang mga awards mula sa  FAMAS Awards, Enpress Golden Screen Awards at PMPC Star Awards for Movies. 

At ngayon, magbabalik tambal sila ng isa sa pinaka-in demand na mga aktres sa industriya, si Bea Alonzo bilang si Betty. Napatunayan na ng isa sa mga pinaka-mainit na loveteam ngayon ang kanilang magandang chemistry at ‘di mapapantayang fan base kaya naman saktong-sakto sila bilang mga bagong aabangan sa I Love Betty La Fea.

Kung si Betty ay mabait,  masipag, masiyahin at medyo physicall challenged, si Armando naman ay ang kabaligtaran niya. Lumaking mayaman at hindi nahirapan pagdating sa financial matters, masasabing lahat ay na kay Armando. Gwapo, matalino at edukado, mukhang perfect talaga ang big boss ng advertising agency na Eco Moda Manila.

Sa kanilang pagkikita at paghaharap, magkasundo kaya ang dalawa sa trabaho?

Sa direksyon ni Erick Salud at Don Cuaresma, abangan ang iba pang updates sa nalalapit na teleserye sa ABS-CBN. Malapit na malapit na sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa iba pang impormasyon, mag-log in sa www.abs-cbn.com at sa http://ilovebettylafea.multiply.com.

vuukle comment

ARMANDO

ARMANDO SOLIS

BEA ALONZO

BETTY LA FEA

DON CUARESMA

ECO MODA

ENPRESS GOLDEN SCREEN AWARDS

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with